
Ipapamalas ng international award-winning actress na si Jaclyn Jose ang versatility niya sa Saturday episode ng weekly drama anthology na Tadhana hosted by the Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Sa March 19 interview ng 24 Oras kay Jaclyn, nagbigay ito ng ilang detalye sa episode nila this week kung saan makakasama niya sina Kate Valdez, Nikki Co, Prince Stefan at Alchris Galura.
Sabi ng Cannes Film Festival Best Actress, “Ang Tadhana ngayong Sabado ay kakaiba, kasi may kasama siyang comedy.
“Isang kuwento ito ng isang nanay na may tatlong anak na lalaki, pero 'yung dalawa gay.”
Sa panayam naman sa mga young co-stars ni Jaclyn sa Tadhana episode, sinabi nito na magaan katrabaho ang dekalibreng aktres.
Saad ni Nikki Co, “Sa unang eksena may mga banat na po siya na medyo pa-joke po. So gumaan po 'yung hangin [o pakiramdam]”
Sinegundahan naman ito ni Alchris Galura at sinabi sa 24 Oras, “Hindi siya madamot sa knowledge, so gina-guide din niya kami.”
Si Alchris ang kapatid ng Kapuso actress-singer na si Glaiza De Castro.
Para naman sa StarStruck: The Next Level alum na si Prince Stefan na mapapanood uli sa Kapuso Network after five years, hindi nito naiwasan kabahan sa mga eksena nila ni Jaclyn Jose.
Aniya, “I'm so intimidated, kasama siya, siyempre award-winning actress, legend.”
Ibayong pag-iingat din ang ginagawa ngayon ni Jaclyn lalo na't patuloy ang pagtaas ng mga taong nahahawa ng COVID-19.
Base sa datos ng Department of Health nitong March 19, lumobo ang kaso ng mga tinamaan ng sakit sa buong bansa na nasa 648,066, matapos makapagtala kahapon ng record-high na 7,103 cases.
Pagbabahagi ng Kapuso actress sa 24 Oras na iniiwasan niya ang lumabas para hindi tamaan ng COVID-19.
“Ang labas ko work at 'tsaka bank. Kasi nagpapadeliver ako e,
Bukod kay Andi Eigenmann, may isa pang anak si Jaclyn Jose na certified heartthrob in the making.
Kilalanin si Gwen Garimond Ilagan Guck sa gallery below.