
Naging maganda raw ang experience ng ilang young stars sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Nakatakdang magtapos ang serye ngayong gabi, January 13, kaya ibinahagi ng ilan sa kanila ang mga bagay na mami-miss nila sa show.
Para kay Kimson Tan, masaya daw siya sa mga beterano at baguhang artista na nakilala niya sa serye. Si Kimson ang gumanap sa show bilang Steven, isang binatang magiging involved kay Violet, played by Beauty Gonzalez.
Umaasa naman si Larkin Castor na may natutunan ang mga manonood sa kuwento ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters na umiikot sa pamilya at pagmamahalan. Si Larkin ang gumanap bilang batang Felino Go, ang kaibigan at business associate na laging maaasahan ng pamilya Chua.
Very happy naman si Dustin Yu na nabigyan siya ng pagkakataon na bumalik sa third installment ng serye matapos bumida sa first installment nito. Masaya rin siya na hindi bumitaw ang mga manonood sa kanilang kuwento.
Ni-reprise ni Dustin ang role niya bilang Kenneth Chan sa The Family Fortune at naging isang mabuting kaibigan at higit pa para kay Iris, karakter ni Angel Guardian.
Lubos naman daw na-enjoy ni Gertrud Hahn ang challenging role niya bilang Coreen, ang best friend ni Dahlia na karakter naman ni Thea Tolentino.
Good memories at new friendships naman daw ang babaunin ni AZ Martinez mula sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Gumanap siya dito bilang Jessica, ang babaeng minahal ni Andrew, role ni Will Ashley.
Samantala, isang unexpected twist ang dapat abangan sa big finale ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Abangan ito ngayong gabi, January 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin din ang exclusive livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream o kaya ay sa GMA Network app.