GMA Logo AJ Raval in Your Honor
Source: Your Honor
What's on TV

Your Honor: AJ Raval, tinuruan na mahalin ang mga kapatid sa ibang pamilya

By Aedrianne Acar
Published March 4, 2026 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alleged hitman hiding behind fake names nabbed in Taguig hospital
3rd ug 4th Impeachment complaints ni VP Sara Duterte, Sufficient in Substance | Balitang Bisdak
F1 star Charles Leclerc ties the knot with Alexandra Saint Mleux

Article Inside Page


Showbiz News

AJ Raval in Your Honor


AJ Raval, nagkuwento sa kaniyang extended family at pagpapalaki sa kaniya ng aktor na si Jeric Raval sa 'Your Honor.'

Paano mabuhay sa isang extended family na meron kang 18 kapatid?

'Yan ang ikukuwento ng actress na si AJ Raval sa Your Honor this Saturday night!

Sa pagsalang niya sa session ng House of Honorables, kinuwento niya kung paano niya nalaman na ganun karami ang mga kapatid niya sa action star na si Jeric Raval.

“May araw lang na naglalaro kami, kala ko pinsan ko 'yung isa. So, lumalaki kang magkakapatid pala kami.”

Itinuro rin kay AJ habang lumalaki na huwag ituring na iba ang mga kapatid sa ibang pamilya.

Aniya, “Kapag kadugo mo, kadugo mo! Kapatid mo 'yan walang anak sa labas parang ganun niya kami minulat.”

Sa episode teaser ng Your Honor, bigla niyang naalala ang nakakatawang ginawa sa kanila ng tatay nila noon kina Chariz Solomon at Buboy Villar. Pagbibida ni AJ. “Playtime, hindi ko alam [kung] ano'ng trip ng tatay ko lahat kaming magkakapatid kinalbo niya kami. Imaginin mo, maraming bata tapos lahat kalbo. Nakasakay sa pickup paikot-ikot sa bayan.”

AJ Raval on Your Honor

Source: Your Honor

Abangan ang hearing na, vodcast pa na Your Honor with our special guest AJ Raval ngayong Sabado ng gabi (March 7), pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.

At mark your calendars, mga Honorables para sa first-ever 'Your Honor Live Sessions' na gaganapin sa 'Elias Wicked Ales and Spirits' sa Santa Mesa Heights in Quezon City this March 13.

RELATED CONTENT: AJ Raval, Aljur Abrenica's tender moments with their kids