GMA Logo Boy Abunda
What's on TV

Your Honor: Boy Abunda, nababahala kapag tinatanong ng, 'Boy, ano'ng tsismis?'

By Aedrianne Acar
Published January 19, 2025 10:40 AM PHT
Updated January 20, 2025 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US Senate votes to curb military action in Venezuela, Trump says oversight could last years
All-out search for missing workers in landslide at Cebu landfill

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda


King of Talk Boy Abunda, nagbigay ng 'tsismis 101' lesson sa hearing kasama ang House of Honorables.

Master class session ang ibinigay ng multi-awarded host na si Boy Abunda sa pagharap niya sa masayang hearing with Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar sa Your Honor nitong Sabado, January 18.

Tinalakay ng seasoned Kapuso host ang pagkahumaling ng mga Pinoy pagdating sa "tsismis" o "gossip".

Tanong sa kaniya ng House of Honorables Chair Tuesday, “Kahit ano man sabihin natin, meron din tinge of tsismis. Would you say ito ay beneficial sa ating mga Pilipino? Nagtsi-tsismisan tayo. Part 'yan, ingrained 'yan sa culture.”

Source: Your Honor

Dito, naibahagi ni Tito Boy ang saloobin niya na noon ay bigla siyang nababahala kapag tinatanong siya kung ano'ng tsismis ang maibabahagi niya.

Bakit ganito ang saloobin ng award-winning TV personality?

Lahad niya, “Bago ko 'yan Your Honor sagutin ang iyong katanungan, there was was a time in my career you are right that I was bothered by the [question]: 'Boy, anong tsismis?'”

“It was a dubious reputation that what I was doing was delivering tsismis. Medyo naapektuhan ako.”

Sumunod niyang ipinaliwanag ang ginawa niyang pag-aaral tungkol sa "tsismis" noong kumuha siya ng Master of Arts in Communication kung saan naka-graudate siya taong 2011.

“Bakit? Because, ang pagkaunawa natin ng tsismis ay: hindi totoo, inimbento, at may kalakip na paninira. May kalakip na ang tsismis ay ginagawa to demean, to derogate ika nga Vice Chair [Buboy Villar] sa kapwa. So, 'yun 'yung premise nung salitang tsismis na parang wala lang, walang pinanggagalingan. Sinasabi lang, kasi katuwaan. Pero kung pag-aaralan natin, naging bahagi po ito sa isang papel na sinulat ko for my 'Master's in Communications, Dichotomy of Chismis'.”

RELATED CONTENT: TRIVIA ABOUT BOY ABUNDA

“I don't think show business would be as much fun without tsismis. Pupuntahin natin 'yung diskusyon, ano ba talaga ang tsismis sa showbiz?

“May tsismis na nakakatuwa, may tsismis na entertaining lamang, biro. It's almost a joke, meron namang tsismis na nagiging source of sabi nga ni Ardee information. Nakakakuha ka ng impormasyon. Meron namang mga tsismis na talagang katulad ng sinabi ko kanina ay paninira.”

“You know in the Art of War [by Sun Tzu] na roon 'yung tsimis. To distract, to disrupt the enemy. Para ma-confuse mo ang enemy, magpalutang ka na: patay na si hari o 'di kaya wala ng sundalo natitira sa field.”

“Bahagi ng kultura ng showbiz ang tsismis.”

Nagtanong naman si Buboy sa Fast Talk host na: “Tito Boy question lang po Madam Chair, bakit po ba mahilig po tayo sa tsismis?”

Sagot agad ni Boy, “Meron tayo katuwaan na nakukuha 'pag iba ang pinaguusapan. It's a sense of power, it's a sense of power that I'm able to talk about other people in this light 'di ba. Karamihan sinasabi, ang tsismis ay ginagawa kapag nakatalikod ka. Hindi mo naman ginagawa ang tsismis harapan. Iba na 'yun'.”

Ibinahagi rin niya ang trabaho na ginagawa sa likod ng mga talk show na dumadaan sa masusing proseso tulad ng pagri-research sa isang isyu.

“Harapan 'yun diretsahan, kaya dun ako nagre-react 'pag sinasabi tayong purveyor tayo ng tsismis, because, when we do talk shows like this one, napaka-research heavy natin. So, 'pag sinasabi nila, 'Totoo ba mga pinagsasabi n'yo?"

“Kami halimbawa ng aking mga kasamahan sa Fast Talk [with Boy Abunda] matagal ang proseso, bago namin sabihin: 'Sandali! Sasabihin ba natin 'yan? Itatanong ba natin 'yan? Ano ba ang implication nito? Ano ba ang isina-suggest natin?'”

“I did political shows, kung gaano kami kapulido, ka-thorough sa pagbi-brainstorm. Ganun ka-thorough ang mga palabas katulad ng Your Honor at tsaka ng Fast Talk.”

Balikan ang ilan pa sa memorable moments ng ating resource person sa Your Honor na si Boy Abunda sa full episode ng YouLOL Originals vodcast sa video below.

RELATED CONTENT: BIGGEST REVELATIONS OF FTWBA IN 2024