
Bigatin ang resource person na haharap sa session 'In Aid of Marites' sa Your Honor ngayong January 18 dahil ang respetado at multi-awarded host na si Boy Abunda ang makikipagkuwentuhan sa House of Honorables.
Sa inilabas na teaser ng Your Honor sa guesting ng King of Talk, kita ang excitement nina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar sa kanilang special guest this weekend.
Maganda rin ang tatalakayin ni Tito Boy at isa na dito ang pagkahilig ng mga Pinoy sa tsismis.
Sabi ng Kapuso host, “Who doesn't enjoy tsismis?”
Sabay paliwanag ni Boy , “Bahagi ng buhay ng Pilipino at bahagi ng showbiz ang tsismis.”
Heto ang pasilip sa pasabog na session ng Your Honor kasama ang nag-iisang King of Talk sa video below!
RELATED CONTENT: BIGGEST INTERVIEWS OF FAST TALK WITH BOY ABUNDA IN 2024