
Busog na naman kayo sa makabuluhang usapan at tawanan kasama sina Tuesday Vargas at Buboy Villar sa Your Honor dahil bibisita ang paborito n'yo na Koolpals!
Inimbitahan sa newest session ng House of Honorables sina James Caraan at Ryan Rems para magbigay ng kanilang opinyon sa session na pinamagatan “In Aid of Appeal: Funny is the New Pogi.”
Walang a-absent sa panonood ng Your Honor sa YouLOL YouTube channel, streaming on May 17 after the award-winning sitcom Pepito Manaloto.