
Hitik sa tawanan at relationship advice ang episode ng Your Honor with our House of Honorables na sina Chariz Solomon at Buboy Villar.
Nakasama nila sa session this August 2 ang Nuts Entertainment co-stars na sina John Feir at Pekto sa Your Honor.
Sa topic na pimagatang 'In Aid of Misterhood: Mga Hugot ni Mister kay Misis' tinalakay nila ang ilan sa mga nagiging problema ng mag-asawa.
Dito, binigyan diin ng Pepito Manaloto star na si John Feir ang halaga ng "honesty" sa relasyon nila ng misis na Uyen Feir na kamakailan nag-celebrate ng kanilang 25th wedding anniversary.
Ayon sa Sparkle comedian kahit ang "ME time" niya sa pagmo-motorsiklo, alam ni Uyen ang mga detalye.
Lahad niya sa Your Honor, “Open na ako, puwede na sa kaniya. Sabi ko, pupunta ako ng Batangas magmo-motorsiklo ako. [Sabay paalala ni Uyen], 'Basta pasalubong'.”
“Ganun lang, 'yun ang sinasabi ko sa relationship, kailangan maging tapat ka. Maging totoo ka, huwag kang magsisinungaling.
“Ang hirap magsinungaling.”
Panoorin ang full session nina John Feir at Pekto sa Your Honor sa video below.
RELATED CONTENT: Chariz Solomon, the multi-hyphenated comedienne