GMA Logo James Caraan at Ryan Rems
Source: Your Honor
What's on TV

Your Honor: 'Koolpals' James Caraan, bakit 'olats' ang love life nung high school

By Aedrianne Acar
Published May 17, 2025 9:30 PM PHT
Updated May 18, 2025 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

James Caraan at Ryan Rems


James Caraan, binalikan ang kabataan niya sa isang all-boys school nang sumalang sa session ng 'Your Honor.'

Funny is the new pogi. Talaga ba?

Ito ang tinalakay nina Tuesday Vargas at Buboy Villar sa latest session nila sa Your Honor nitong Sabado (May 17) kung saan nakasama nila ang 'Koolpals' podcast hosts na sina James Caraan at Ryan Rems (o Ryan Rems Sarita).

Dito nagbigay ng opinyon si James sa tanong ni Madam Chair Tuesday na, “Nalulungkot ba kayo 'pag ano ng mga girls na pang 'friend type' lang ang komedyante or clown na kaibigan? Hindi pang seryosahan.”

Inalala ng magaling na comedian na si James kung bakit talo pa rin ng may hitsura ang komikero.

Lahad niya sa YouLOL Originals vodcast, “Oo naman, kasi nung high school ako nagkaroon ng instance na pagka all-boys school ka kasi, pupunta ka sa all-girls school.

“Noon ko lang nare-realize na para pala kaming mga hayop... Lalaki kayo lahat, oh ito babae kami lahat. Oh, sige mag-mingle kayo. So, 'yung mga nakukuha kong number, kasi mag-iikutan kayo igu-grupo kayo ng sampu.”

Pagpapatuloy ni James, “So, kukunin mo lahat ng number, wala nagre-reply sa akin. So lahat napupunta dun sa may hitsura, dun sa pogi. Kaya ang ina-ano ko talaga, hindi talaga totoo funny is the new pogi. Funny- mapapahaba lang niya 'yung relasyon mo 'pag nasubukan mo na ako. Tsaka ka mage-enjoy.”

“Kaya ang hirap namin magkaroon ng jowa kapag ang setting namin clubbing. 'Yung hindi mo mae-exercise 'yung sense of humor mo.”

James Caraan at Ryan Rems

Source: Your Honor

Panoorin ang kulit session nina James Caraan at Ryan Rems sa Your Honor sa video below!

RELATED CONTENT: Tuesday Vargas and Buboy Villar show amazing chemistry during the 'Your Honor' pictorial