
Nakilala lang siya nang husto bilang isa sa pinakamahusay na comedienne ng bansa dahil sa mga show niya na Bubble Gang at Pepito Manaloto.
This time around, mas magiging bukas ang versatile comedienne na si Maureen Larrazabal na pag-usapan ang lagay ng kaniyang love life.
Ipinatawag siya ng House of Honorables na sina Madam Chariz Solomon at Vice Chair Pro Tempore Mikoy Morales para maging resource person sa kanilang session na “In Aid of Long-Term Relationships: No Kasal, No Sakal.”
“Sa personal na experience ko mas okay sa akin ang hindi kayo kasal,” lahad ni Maureen.
“Twenty-three years na kami sa relationship, happy ako.”
Tutukan ang LOL moments na ito with special guest Maureen Larrazabal sa Your Honor ngayong September 12 sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng Pepito Manaloto.
Mapapakinggan din ang full episodes ng YouLOL Originals podcast sa Spotify, Apple Podcast, at ibang pang streaming sites.
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now