
Sumama na sa masayang session ng Your Honor ngayong Sabado, August 16, dahil tatalakayin natin kasama ang House of Honorables ang usapin tungkol sa pera.
Naglabas ng subpoena sina Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor para ipatawag ang stand up comedian na si Wacky Kiray para magbigay ng opinyon sa topic nila 'In Aid of Money Talk: Nakakaganda ba ang Pera?'
Sa pagsalang niya sa YouLOL Originals vodcast, nag-'real talk' si Wacky Kiray sa nangyayari sa isang tao kapag gipit sa pera.
Sabi niya sa Your Honor, “Ang hirap kasi 'pag walang pera, ang hirap gumalaw. Mabuburyo ka na, ano ang papakain ko rito wala akong pera. Buryo!”
Tutukan ang exciting session ng Your Honor ngayong August 16 pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.
One Click Lang! Mae-enjoy mo na lahat ng mga Kapuso comedy shows sa YouLol. Kaya mag-subscribe na sa Official Kapuso Laugh Channel on Youtube.
RELATED CONTENT: Chariz Solomon, the multi-hyphenated comedienne