
There's nothing wrong on being OA sa session ng House of Honorables this Saturday night dahil dalawa sa beloved housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang ating makakasama.
Sasalang bilang resource persons sa session na “In Aid of Being You: It's Okay to Be OA” ng Your Honor ang sikat na content creator na si Esnyr at versatile actress na si Xyriel Manabat.
Sa special video teaser ng Your Honor, umamin si Xyriel na minsan na siyang nasabihan na OA or overreacting.
Kuwento niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar, “Sa lahat ng aspeto, ang OA na ang liit ko. 'Pag magpo-promote ka ng isang bagay, [sinabihan ako] 'Ang OA na magsalita'
“Ano gusto mo [speaks in her low energy voice] ganito ako mag-promote. So, siyempre, dapat energy!”
Dugtong naman ni Esnyr, “Ako nagsasabi sa sarili ko, ang OA ko. At it's okay to be OA, kasi ganun ang pagkatao ko, parang sobrang loud, sobrang energetic.”
Source: Your Honor
Tutukan ang OA session ng House of Honorables nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor ngayong February 28, 2026 sa YouLOL YouTube channel pagkatapos ng Pepito Manaloto.
RELATED CONTENT: Career highlights of Xyriel Manabat and Esnyr
LOOK: Former child star Xyriel Manabat is all grown-up
The flourishing career of content creator and social media star Esnyr