GMA Logo ralph de leon
What's on TV

Your Honor: Ralph de Leon, sinabihang 'guwapo pero boring'

By Aedrianne Acar
Published July 16, 2025 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

ralph de leon


Nakararanas ba ang 'PBB' duo na sina Will Ashley at Ralph de Leon ng 'pogi problems'? Alamin sa 'Your Honor.'

Dalawang certified pogi ang magiging resource person nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor ngayong Sabado, July 19. Ito ay ang Pinoy Big Brother duo na sina Will Ashley at Ralph de Leon o mas kilala bilang RaWi.

Sasalang sila sa session ng House of Honorables na tinawag “In Aid of Face Card: Problema ng mga Pogi."

Sa episode teaser ng Your Honor, makikita na naglabas ng saloobin si Ralph de Leon kina Madam Cha at Vice Chair Buboy tungkol sa misconception ng mga tao tungkol sa kaniya.

Saad ni Ralph, “Yun talaga 'yung sinasabi sa akin na boring ka, na-dry ka, wala kang personality. Mukha ka lang!”

Umamin din si Ralph na may tao inaakala na “pa-fall” dahil sa pagbibigay niya raw ng mixed signals.

“Sobrang close talaga namin, inaakala ng mga tao na sobrang mixed signals ko.”

Sinabi naman ng Sparkle actor na si Will Ashley na may mga tao na maghahanap ng mali talaga.

“May mga iilang tao talaga na hahanap at hahanapan ka ng isyu. Hahanap at hahanapan ka ng mali mo.”

Abangan ang Team "RaWi" sa Your Honor ngayong July 19 pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.

RELATED CONTENT: 'Mr. Green Flag' Ralph de Leon's eye-catching photos