
Muntik nang ilabas ni Sangˈgre Pirena, este ni Glaiza De Castro ang Brilyante ng Apoy nang maalala niya sa guesting sa Your Honor ang mga lalaking nang-ghost sa kaniya noon.
Resource person si Boss G nina Chariz Solomon at Buboy Villars a Your Honor para sa session nila na tinawang na “In Aid of AFAM (A Foreigner Around Manila) Love: Sino ang Mag-aadjust?”
Ayon sa Psychology Today, ghosting is abruptly ending communication with someone without explanation. The concept most often refers to romantic relationships but can also describe disappearances from friendships and the workplace.
“Kasi, mga nakarelasyon ko before parang one season lang, Introvoys. Tapos, biglang mawawala alam mo 'yun.
“Sunod-sunod siyang ghost, sunod-sunod ako talaga. Lahat may pattern, kaya parang napa-isip na lang ako sa sarili ko na may mali ba sa akin?” tanong ni Glaiza sa sarili noon.
Pagpapatuloy niya, “Bakit parang lahat 'yun nag-end ng pare-pareho sila nag-end na nawala na lang silang bigla. Hindi [ko sila binasted], hindi na lang sila nagparamdam. Ligaw, naging kami, tapos biglang nasa relasyon na kami 'tapos biglang hindi magpaparamdam. Ano 'yun?”
Ginawa pa raw kausapin ni Glaiza ang mga ito noon like mag-text para malaman kung bakit hindi sila nagparamdam. Pero napagtanto na lang ng Kapuso actress na, “tapos hindi ko na pinagpipilitan 'yung sarili ko. Kumbaga parang, 'Ah, okay. Sige ganito.'”
Happily married naman si Boss G sa kaniyang Irish husband na si David Rainey. Dalawang beses ikinasal ang una ay noong 2021 sa Northern Ireland at idinaos ang kanilang local wedding sa Zambales taong 2023.
Ano naman kaya ang pagkakaiba ni David sa mga Pinoy na nakarelasyon niya noon?
“Yung character ni David ano siya e, matiyagang tao. Tapos, consistent siya na matiyaga siya. Wala siyang duration, wala siyang expiration,” aniya.
“Very direct siya magmahal, walang gray area. Pagka-kunwari may gusto siyang sabihin, sasabihin niya. Ang galing niya sa communication, tapos very affectionate ganun 'yung mga Irish pala. Very touchy, very ma-hug, very ma-'I love you.'”
Watch the full session of Glaiza De Castro on Your Honor in the video below!
RELATED GALLERY: STUNNING PHOTOS OF GLAIZA DE CASTRO