GMA Logo sassa gurl on your honor
What's on TV

Your Honor: Sassa Gurl, may special project sa 2025

By Aedrianne Acar
Published December 28, 2024 9:30 PM PHT
Updated December 29, 2024 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

sassa gurl on your honor


Sassa Gurl, may panahon pa bang magkajowa?

Puno ng puksaan at tawanan na nangyari sa episode four ng Your Honor na “In aid of resolution: New Year, New Me…Wehhh?”

Dito, nagbahagi ang naging tampok na resource person, ang social media star at actress na si Sassa Gurl, ng makabuluhang mensahe tungkol sa mga plano niya sa 2025.

Sa pagsalang niya sa kulit cross-examination, napansin agad ni ni Madam Chair Tuesday Vargas na tila ready na sa New Year ang "Mima ng Bayan" na si Sassa.

Aniya, "Gusto mo ba na ang New Year's resolution mo parang nadarama ko na I'll focus on myself this 2025. Super fresh, maganda lang ako. Kasi parang nagsisimula ka na, e, oh.”

Sagot naman ni Sassa, “Ano kasi ako ngayon, new discovery, mga ganun-ganun ang atake. Learning about myself, mga ganunng mga atake.” paliwanag ng sikat na internet personality.

Pagpapatuloy niya, “Ako ngayon, sabi ko nga, since nabibigay na mga needs ko, nafo-focus ko na 'yung sarili ko. Eto na 'yung parang nalalaman ko na 'yung mga things about me. Kasi nga ako ngayon, self-discovery pa rin ako ngayon e, parang hindi ko pa rin 'alam kung ano 'yung mga bet ko talagang gawin, ang dami ko pang dini-discover mga ganiyan-ganiyan.

“As I go to the process ang dami ko nalalaman sa sarili ko. Dapat kong ayusin, dapat kong i-develop ganiyan. So, I think this 2025 feeling ko saka na muna 'yung jowa.”

Panoorin ang one-on-one ng House of Honorables "in aid of chikahan" with Sassa Gurl sa Your Honor.

RELATED CONTENT: CAREER JOURNEY OF SASSA GURL