
Hinimay-himay ng Your Honor hosts na sina Chariz Solomon at Buboy Villar sa kanilang pagdinig kung ano nga ba ang isang “baklang kanal.”
At nakasama nila ang nagbabalik na social media star, aktres, at LGBTQIA+ advocate na si Sassa Gurl!
Sa session na “In Aid of Baklang Kanal: Paano ang Atake?” sa House of Honorables, napakuwento si Sassa Gurl ang naranasan niyang pambu-bully noong bata siya dahil proud siyang baklang kanal.
“Kasi 'pag sinasabing 'baklang kanal' parang mga degoratory ganiyan, medyo panlait siya. Ngayon, in-empower na namin mga baklang kanal 'yung mga sarili namin,” lahad niya sa Your Honor.
Pagbabalik-tanaw niya, “Nung bagets ako, 'pag baklang kanal talagang makakaranas ka ng mga bullying ganiyan. 'Yung pagtitripan ka ng mga lalaki. 'Yung mga matatandang mga lalaki 'yan, pagtitripan ka talaga ng mga 'yan kapag bakla-bakla ka. Pero, siyempre kami mga baklang kalsada nilaban talaga namin 'yung mga place namin sa kalsada.
“'Pag kunwari may mga ganap-ganap na binu-bully ka lalaban ka pabalik ganun!” saad pa niya.
Nag-react si Madam Cha sa sinabi ng resource person at ibinahagi niya ang obserbasyon niya tungkol sa pagpapakatotoo na nakikita natin sa mga gay individuals.
Aniya, “'Yung mga gay people hindi lang ito isolated sa mga bakla ah or bading. Like sa free - gay is free and happy, sila 'yung mga nakakapagsabi ng intrusive thoughts. Sila 'yung mga nakakapagsabi ng mga thoughts na hindi mo kayang sabihin. Kasi, feeling mo ang taas-taas mo, feeling mo masyado ka maayos. So sila, unbothered sila, wala silang pakialam. So sila, kaya nilang sabihin, so nagugulat ka you're caught off guard.”
“Korek Ma, korek!” Pagsangyon ni Sassa Gurl. Dagdag niya, “Kasi parang kami alam mo yan totoo ka lang, 'yung parang dun kami nabuhay, kasi 'pag kunwari magpepeke-peke ka ng personality sa mga tropa-tropang mga baklaan, naloloka rin sila e. Kaya talagang ipapakita mo talaga kung sino ka.”
Panoorin ang naging guesting ni Sassa Gurl sa Your Honor sa video below!
RELATED GALLERY: Sassa Gurl's journey from being an internet star to movie star