
Matapang na nagbigay ng pahayag ang Sparkle actress na si Shuvee Etrata nang sumalang sa Your Honor tungkol sa mga stereotypes ng mga tao sa tulad niya na Bisaya.
Proud ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na mula siya sa Bantayan Island sa Cebu.
Sa panayam sa kaniya nina Chariz Solomon at Buboy Villar, nagtataka siya sa entertainment industry kung bakit ang role na tingin sa mga tulad niyang Bisaya ay maging isang kasambahay o yaya.
“Ako, 'di na ako lalayo. Sa industry natin sa pag-aartista, like some people or I feel like most of them 'pag Bisaya ka. Tapos maitim ka, parang maitim ka ba, siyempre probinsyana ka. Ang role mo lang yaya,” lahad ni Shuvee.
Pagpapatuloy niya, “Puwede 'yan maging yaya. Pero kudos sa mga Bisaya kasi, sa mga probinsyana na nakikipagsapalaran. Siyempre, maraming yaya na mababait na mga Bisaya. Kaya rin siguro hindi ko din masisi 'pag Bisaya ka, yaya ka or role mo lang pang yaya ka lang.”
Napapanood si Shuvee Etrata sa hit megaserye na Encantadia Chonicles: Sang'gre. Lumabas din siya noon sa primetime soap na Hearts on Ice kung saan bida ang BFF niya na si Ashley Ortega.
RELATED CONTENT: Shuvee Etrata stuns with her Filipina morena glow