
May iyakan ba na mangyayari sa Your Honor?
Well, malalaman n'yo 'yan mga Honorables kapag pinanood n'yo ang unang salvo ng ating Your Honor Live Sessions ngayon March 28 dahil resource person natin ang SexBomb Girls member na si Sugar Mercado!
Pinatawag siya nina Chariz Solomon at Buboy Villar para sa kulit session na pinamagatan "In Aid of Iyakin: Kahinaan Ba?"
Sa teaser episode ng Your Honor, may inamin si Sugar sa nangyari sa kaniya backstage noon sa Eat Bulaga.
Kuwento niya, “Maramdamin talaga ako, 'yung likod ng stage sa Eat Bulaga umiiyak pa rin ako, e.”
Source: Your Honor
May nakakaaliw din siyang memory kasama ang multi-awarded comedian na si Michael V. dahil sa ginawa nitong prank.
Hirit niya sa House of Honorables, “Tapos si Kuya Bitoy, isa pa 'yan!”
“Di ba may catering, pag-uwi ko may kumakalansing 'yung plato, 'yung kutsara. Nilagay sa loob ng bag ko, kinabukasan magnanakaw na ako hanggang 'Unang Hirit'. Grabe rin talaga pinagdaanan ko talaga!”
Mapapa-"get, get, get aww!" kayo sa Your Honor with our guest Sugar Mercado ngayong March 28 streaming on the YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
RELATED CONTENT: Never-before-seen photos of Sexbomb dancer Sugar Mercado