GMA Logo Youre My Favorite Song
Source:You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Ang paghaharap ni Angel at ng mga Montaverde!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 3, 2026 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'KPop Demon Hunters' star Arden Cho ties the knot with surgeon BF
'Lilet Matias: Attorney-At-Law,' muling mapanonood sa GTV
Real Moments, Real Thrills, Real Entertainment Await This July on GMA Pinoy TV

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song


Nagtagpo na ang landas ni Angel (Caprice Cayetano) at ng mga Montaverde sa 'You're My Favorite Song.'

Matapos ang masayang pagbubukas ng Gran Vista Resort na pangarap ng pamilya Dimaculangan na sina Angel, Mama Bebe (Katya Santos), at Lolo Xavi (Boboy Garrovillo); isang 'di magandang pangyayari naman ang hinarap ni Angel.

Sa episode noong Huwebes, July 2, nakaharap na ng dalaga sa kauna-unahang pagkakataon si Serina (Kazel Kinouchi), ang anak ni Lolo Xavi na bumalik sa kanilang resort upang maghiganti.

Hindi naging maayos at maganda ang una nilang pagkikita dahil ipinakita agad ni Serina ang kaniyang ugali kay Angel at ipinahayag nito ang galit niya sa pamilya at ang kagustuhan nitong mapatalsik ang pamilya ng dalaga palabas sa Solmera City.

Sinabi rin ni Serina kay Angel ang kagustuhan niya na malugi ang resort ng pamilya Dimaculangan upang mabili niya ito at mapasakanya.

Ngunit hindi naman nagpatalo ang dalaga at nanindigan sa mga pahayag na ito ni Serina. Inamin ni Angel na ang maliit nilang resort ay walang binatbat sa mga resort na pagmamay-ari ng Montaverde Empire. Sinabi rin niya na alam na nila na si Serina mismo ang nagpautos na sirain ang Gran Vista Resort kamakailan.

Dahil sa inis, hindi napigilan ni Serina na saktan at itulak si Angel kung kaya't napaupo ito; sakto namang pagdating ng asawa nitong si Enrico Montaverde (James Blanco) na siyang nagpatigil kay Serina at tumulong kay Angel bumangon.

Sa pagkikita ni Angel at ng mga Montaverde, ano pa kayang gulo ang dadalhin ni Serina sa buhay niya at ng kaniyang pamilya? Paano naman kaya magiging bahagi ng buhay ni Angel si Enrico Montaverde?

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Maari pa ring bumoto sa kung alin ba sa tatlong ships sa serye ang lumagpasa sa kilig meter mo sa ikalawang linggo ng serye.

Sagutan ang poll dito:

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!