GMA Logo Caprice Cayetano and Heath Jornales
Source:You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Angel at Captain Serenade, muling magkakatagpo!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 6, 2026 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Prosecution team press conference (July 6, 2026) | GMA News
86-year-old woman dies in Iloilo fire
Here are the ticket prices for John Legend's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano and Heath Jornales


Abangan ang muling pagkikita nina Angel (Caprice Cayetano) at Captain Serenade na si Miguel (Heath Jornales) sa You're My Favorite Song!

Matapos pagbintangan ni Calix (Clifford) si Angel na nagpakalat ng kaniyang fake video, kung saan umamin siyang may pagtingin sa dalaga noong naglaro sila ng lie detector gadget, agad na hinanap ng binata ang dalaga upang komprontahin.

Kasama ng binata ang kaniyang mga kaibigang sina Raviel (Lee Victor), Dash (Andrei Fajardo), at Poncy (Kairo Lazarte). Ang hindi niya alam, lihim na ipinakalat nina Adie (Princess Aliyah) at Charm (Waynona Collings) ang nasabing video.

Kasalukuyan namang nagsu-shoot ng video bilang prince at princess ang magkaibigang Angel at Zion (Marco Masa) nang sugurin sila ng galit na galit na si Calix. Para makatakas mula sa bully sa school, sinabuyan ng buhangin ni Zion ang grupo ni Calix na nagbigay-daan para makatakbo ang dalawa.

Ngayong Lunes, kilig na naman ang pupuno sa ating hapon dahil sa pagtakas ni Angel mula sa galit ni Calix, mapapadpad ang takot na takot na dalaga at magtatago sa isang banyo kung saan makakatagpo niya nang hindi inaasahan ang kaibigang si Captain Serenade.

Si Captain Serenade kaya ang magtanggol kay Angel mula sa galit ni Calix? Ito na kaya ang pagkakataon na makilala niya kung sino nga ba talaga ang nasa loob ni Captain Serenade?


Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!