
Sa pagpasok ni Angel sa Brighton Bay Academy, ipinakita ang kaniyang angking talino sa kaniyang mga kaklase.
Siya ang kinilala bilang bagong top student matapos makakuha ng 150/100 na score matapos masagot niyang ang bonus question sa kanilang exam at mataasan ang score ng dating top student na si Calix (Clifford) na siya namang ikinagalit nito.
Ngayong Huwebes, June 25, mas magiging mainit na sa mata ni Calix si Angel.
At sa pagbabalik ng isa sa anak ni Lolo Xavi (Boboy Garovillo) na si Serina (Kazel Kinouchi), babalakin nitong bilhin ang resort ngunit hindi papayag sina Lolo Xavi at Mama Bebe (Katya Santos) na ipagbili ito.
Ngunit may masamang balak pa na isasagawa si Serina sa Gran Vista Resort.
Paano kaya ito haharapin ni Angel ang sunod-sunod na pagsubok sa kanilang buhay?
Abangan sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!
Related Gallery: Caprice Cayetano celebrates 'You're My Favorite Song' with BTS photo dump