GMA Logo caprice cayetano
Source: GMA Public Affairs (FB)
What's on TV

You're My Favorite Song: Brighton Bay Ball, magiging daan ba sa pag-amin nina Miguel, Calix, at Zion kay Angel?

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 17, 2026 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang motorcycle taxi rider, takot nang bumiyahe sa gabi kasunod ng pagpatay sa kanilang mga kasamahan
Tests confirm dog meat served at Benguet restaurant
Biyaya Sustainable Living Festival puts a spotlight on local MSMEs, coffee, and sustainability

Article Inside Page


Showbiz News

caprice cayetano


Ito na ang pinakahihintay na Brighton Bay Ball sa 'You're My Favorite Song'!

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng kilig at excitement nina Angel (Caprice Cayetano), Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) hapon-hapon sa GMA Afternoon Prime romance-drama series na You're My Favorite Song.

Sa July 16 episode, opisyal nang inanunsyo ang pinakahihintay na Brighton Bay Ball! Inanyayahan ang lahat ng mag-aaral na sumali sa grandeng kaganapang ito na nangyayari lamang minsan sa bawat academic year.

Habang abala ang lahat sa paghahanda, kani-kanya na ring diskarte ang tatlong lalaki sa buhay ni Angel, sina Miguel, Calix, at Zion, para makuha ang kaniyang puso.

Sa episode noong Miyerkules, July 15, nagkaroon ng maliit na tensyon nang tila pag-agawan ng tatlo ang nahulog na test paper ni Angel.

Samantala, may selos na 'yatang nararamdaman si Zion sa pagiging close nina Angel at Miguel Mabilis namang nakaramdam ng selos si Zion matapos maabutan ang isang sweet moment nina Angel at Miguel sa gitna ng kanilang review session.

Ibinalita rin nina Jacob (Geo Mhanna) at Zion na sila ang naatasang mag-set up ng Marriage Booth sa ball. Ang hihiranging “King and Queen” ng gabi ang siyang magbubukas at unang maikakasal dito.

Hindi naman pinalampas ni Calix ang ginawa ni Charm nang ipabugbog siya nito sa mga estudyante mula sa kabilang paaralan. Nagplano sila ng kaniyang mga kaibigan ng isang kunwaring “ball proposal” kay Charm.

Ngunit pagdating ni Charm sa tagpuan, tumambad sa kaniya ang mga nakataling estudyanteng inutusan niya. Dito na siya binantaan ni Calix na sa susunod na may mangyari sa kanila ni Angel, hindi na niya ito papalampasin pa!

Bukod sa mga tagpo sa serye, mukhang patindi nang patindi rin ang damdamin ng tatlo para kay Angel! Maamin na kaya nila ang tunay nilang nararamdaman?

Sino kaya ang pipiliin at makakasama ni Angel sa Brighton Bay Ball: ang kaniyang new close friend na si Miguel? Ang kaniyang bully-turned-savior na si Calix? O ang kaniyang best friend na si Zion?

Abangan din kung ano naman ang susunod na hakbang ni Serina (Kazel Kinouchi) laban kay Lady Mara (Wilma Doesnt) matapos niyang malaman na buhay pala ang nawawalang anak ni Enrico (James Blanco) na si Celestine?

Tutukan din kung paano pagbabantaan ni Neil (Paolo Paraiso) si Angel upang layuan ang kaniyang anak na si Miguel?

Abangan lahat ng kapanapanabik na mga tagpo sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Kilalanin ang cast ng You're My Favorite Song