GMA Logo Youre My Favorite Song
Source:Youre My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Calix, ipagtatanggol si Angel?

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 14, 2026 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Group decries 'ghost witness' in illegal possession case
Cop nabbed at checkpoint with alleged smuggled cigarettes
The Mr. World Philippines delegates bring the heat with their swimsuit shoot

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song


Abangan kung paano magiging savior ni Angel (Caprice Cayetano) ang kaniyang bully na si Calix (Clifford) sa You're My Favorite Song!

Hindi pa rin mawala ang galit ni Calix kay Angel dahil sa kumalat na fake video kung saan tila inamin niya ang nararamdaman para sa dalaga.

Nag-ugat ito matapos silang maglaro ng lie detector gadget kasama ang kaniyang mga kaibigan. Dahil sa matinding pagkapahiya, napagbintangan ni Calix si Angel na siyang may pakana ng lahat.

Ilang beses nang kinompronta ni Calix si Angel, kasama ang kaibigan nitong si Zion (Marco Masa), upang panagutin ito.

Una na rito ang eksena kung saan ginambala niya ang paggawa ng video nina Angel at Zion habang nakasuot ng prince and princess costumes. Kasama ni Calix ang kaniyang barkadang sina Raviel (Lee Victor), Poncy (Kairo Lazarte), at Dash (Andrei Fajardo).

Napurnada ang komprontasyon nang makatakas sina Angel at Zion, kung saan tinulungan ang dalaga ni Miguel (Heath Jornales) na nakadisguise bilang si Captain Serenade. Mula nang pumasok si Miguel sa Brighton Bay Academy habang nakapahinga sa kaniyang duties sa bandang Siklab, mas naipagtatanggol na niya si Angel laban kay Calix.

Hindi tumitigil ang pambu-bully ng grupo ni Calix kina Angel at Zion; isa na rito ang pagkasira nila sa pinaghirapan at inalagaang plant project ng dalawa.

Lingid naman sa kaalaman ni Calix, ang kaniyang mga kaibigang sina Adie (Princess Aliyah) at Charm (Waynona Collings) ang tunay na gumawa at nagpakalat ng fake video sa classroom group chat ng Brighton Bay.

Sa kabilang banda, tila nagbago ang ihip ng hangin nang biglang maging mabait si Adie. Nag-alok siyang tulungan si Angel sa Gran Vista Resort matapos niyang masaksihan kung paano pahirapan ng tiyahin nitong si Serina (Kazel Kinouchi) ang dalaga.

Dahil sa pagbabagong ito, lalong nahirapan si Adie na aminin ang kaniyang pagkakamali—natatakot siyang magalit si Calix kapag nalaman nito ang tunay na katotohanan tungkol sa fake video.

Dahil hindi pa rin matigil ang galit ni Calix, muli siyang nagplano ng masama laban kay Angel kasama ang kaniyang mga kaibigan. Binalak nilang palabasing plagiarized ang project na ipapasa ni Angel kay Ma'am Dragona (Shyr Valdez). Narinig ito ni Adie, na siya namang nagtulak sa kaniya na wakasan na ang kaniyang pananahimik at aminin ang kaniyang nagawang kasalanan.

Ngayong linggo, abangan kung paano haharapin ni Calix si Angel ngayong alam na niya ang katotohanan tungkol sa kaniyang maling paratang. Sa episode ngayong Martes, July 14, mapapahamak si Angel—ngunit sa gitna ng panganib, biglang darating si Calix upang ipagtanggol siya na siya namang magiging dahil ng kapamahakan niya.

Ano kaya ang mangyayari kay Calix? Ito na nga ba ang simula ng mabuting pakikitungo niya kay Angel?

Abangan ang mga kapanapanabik na mga tagpong ito sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!