GMA Logo Caprice Cayetano and Clifford
Source:You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Calix, may pagtingin na nga ba kay Angel?

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 3, 2026 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'KPop Demon Hunters' star Arden Cho ties the knot with surgeon BF
'Lilet Matias: Attorney-At-Law,' muling mapanonood sa GTV
Real Moments, Real Thrills, Real Entertainment Await This July on GMA Pinoy TV

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano and Clifford


Abangan kung ano nga kaya ang magiging sagot ni Calix (Clifford) sa tanong kung siya ba ay may pagtingin kay Angel (Caprice Cayetano)!

Dahil sa kanilang pagkatalo sa Regional QuizCon, hindi pa rin maalis kay Calix ang mainis at magalit kay Angel dahil sa nangyari.

Halos isisi niya sa dalaga ang nangyari, ngunit tila lumambot naman agad ang puso nito nang marinig na pagsali ni Angel sa competition ay upang maipagamot at mailabas si Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) sa ospital.

Sa kabilang banda, tinulungan naman ni Zion (Marco Masa) si Angel na makalikom ng pera sa pamamagitan ng pagbigay nito ng pinag-ipunang tickets ng concert ng grupong Siklab kay Angel. Ibinenta nila ito gamit ang livestream kung saan agad itong binili ng mysterious viewer and buyer na nagtatago sa pangalang “Mr. Moon.”

Lingid sa kaalaman ni Angel at Zion, si Calix mismo si “Mr. Moon” na siyang bumili ng tickets dahil na rin sa naawa ito kung mawawala sa buhay ni Angel ang kaniyang lolo. Tanging ang kaibigan ni Calix na si Raviel (Lee Victor) ang nakakaalam sa kabutihang-loob na ginawa ng binata.

Hindi rin alam ng mga kaibigan ni Calix ang tunay na dinaranas niya sa bahay kung saan siya ay nalulubog sa pressure na dala ng mataas na expectations ng kaniyang pamilya sa kaniya.

Sa episode naman noong Huwebes, July 2, napadaan si Calix sa mga kaibigang naglalaro ng lie detector gadget. Matapos tanungin ang lahat ay pinuntirya naman nila ang binata at tahasang itinanong kung siya ba ay may pagtingin kay Angel.

Ano kaya ang kasagutan ni Calix sa tanong na ito? Lumalambot na ba nang tuluyan ang puso ni Calix kay Angel?

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Maari pa ring bumoto sa kung alin ba sa tatlong ships sa serye ang lumagp asa sa kilig meter mo sa ikalawang linggo ng serye.

Sagutan ang poll dito: https://www.gmanetwork.com/entertainment/polls/poll-alin-sa-tatlong-ships-ng-youre-my-favorite-song-week-2-ang-pasok-sa-kilig-meter-nyo/830

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!