GMA Logo James Blanco, Kazel Kinouchi, and Royce Cabrera
Source:You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Enrico Montaverde, nabisto ang relasyon nina Serina at Tyrone!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 6, 2026 3:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte impeachment trial begins
BIFF-BF leader killed during service of warrants in Maguindanao
Here are the ticket prices for John Legend's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

James Blanco, Kazel Kinouchi, and Royce Cabrera


Abangan kung ano nga ba ang sasapitin ni Enrico Montaverde (James Blanco) matapos niyang malaman ang lihim na relasyon nina Serina at Tyrone!

Hindi inaasahan ni Serina (Kazel Kinouchi) at ng driver nitong si Tyrone (Royce Cabrera), na siyang kabit din niya, na mahuhuli ng asawa ni Serina na si Enrico Montaverde (James Blanco) ang kanilang lihim na relasyon.

Sa episode noong Biyernes, July 3, galit na galit si Enrico na hinarap ang dalawa na matapos niyang sundan ang mga ito at malaman na matagal na siyang pinagtataksilan ng dalawa.

Dahil sa galit, sinesante niya sa trabaho bilang driver ng mga Montaverde si Tyrone at binalaan na sisiguraduhin niyang walang tatanggap sa binata sa buong Solmera City upang makapagtrabaho muli.

Sinunod niya namang bantaan ang asawang si Serina kung saan pinalayas niya ito sa pamilya Montaverde at binalaan din sa kaniyang planong annulment ng kasal nila dahil na sa pagtataksil na ginawa nito.

Dahil sa pagkabigla sa mga binitawang salita ni Enrico, agad na nagplano si Serina at hiningi ang tulong ni Tyrone sa planong dispatsahin ang asawa upang hindi matuloy ang mga bantang binatawan nito sa kanila matapos ang pagkakahuli sa kanilang relasyon.

Ngayong Lunes, abangan kung paano matutuklasan ni Mama Bebe (Katya Santos) ang sinapit ni Enrico matapos niyang marinig ang usap-usapan mula sa mga pulis.

Ano sinapit ni Enrico Montaverde? Ano kaya ang susunod na mga kaganapan sa kaniyang pagkakapadpad sa Solmera City matapos siyang matagpuan ni Mama Bebe?

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!