GMA Logo youre my favorite song
Source: Youre My Favorite Song
What's on TV

'You're My Favorite Song' Finale Kilig Meter poll, pumalo sa historic 2 million mark!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 28, 2026 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories
Alex Eala kicks off Mubadala DC Open run vs. Zheng Qinwen
One North Central Luzon: July 28, 2026 | Livestream

Article Inside Page


Showbiz News

youre my favorite song


Umabot sa mahigit two million votes ang finale kilig meter poll ng 'You're My Favorite Song'!

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye ngayong linggo, hindi na magkandamayaw ang mga tagasubaybay sa panibagong record-breaking achievement na itinala ng hit romance-drama series na You're My Favorite Song.

Bukod sa matitinding pasabog at tensyong dapat aabangan, mas lalong nag-alab ang “next-gen kilig” na hatid nina Angel (Caprice Cayetano), Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa).

Simula pa lang ng serye, kinonsulta na ang pulso ng fans at supporters sa pamamagitan ng lingguhang Kilig Meter Poll na inilunsad ng GMA Public Affairs at GMA Network sa kanilang opisyal na social media pages at sa GMA Network website.

Noong una at ikalawang linggo, kinuha ng poll ang saloobin ng avid viewers at supporters kung sino sa tatlong loveteams o “ships” ng serye—ang 'AnGuel', 'GeLix', at 'ZiGel'—ang nag-overflow sa kilig meter at tunay na nagpakilig sa kanila.

Sa magkasunod na linggong iyon, hinirang bilang winner ang tambalan nina Angel at Miguel, o mas kilala bilang 'AnGuel' (ginagampanan nina Caprice Cayetano at Heath Jornales).

Nakakuha ang 'AnGuel' ng kabuuang 257,477 votes (pinagsamang social media reactions at website poll votes) noong unang linggo, at 103,164 votes naman sa sumunod na linggo.

Sa ikatlo at ikaapat na linggo, inalam naman ng poll kung alin sa tatlong ships ang may pinakamasarap subaybayan na mga eksena. Hindi pa rin nagpahuli ang tambalang 'AnGuel' na siyang tinanghal na muling winner at kinilalang may “Best Scenes” sa serye.

Nakalikom sila ng 140,620 total votes noong ikatlong linggo, at pumalo naman sa higit kalahating milyon o 672,322 votes noong ikaapat na linggo.

Matapos ang apat na linggo ng matinding suporta, naglunsad ng Finale Kilig Meter Poll upang tukuyin ang huling hirit ng mga manonood: sino nga ba sa tatlong lalaki sa buhay ni Angel na sina Miguel, Calix, at Zion ang makakapasok sa bucket list ng kaniyang puso?

Sa loob lamang ng limang araw ng walang humpay na pagboto ng fans, isang makasaysayang resulta ang kinalabasan kung saan tumabo ng lagpas 2,000,000 votes sa GMA Network website para sa tatlong karakter!

Nakalikom ng kabuuang 2,741,653 website poll votes ang naturang poll kung saan may 2,337, 454 votes si Miguel (Heath Jornales), 398,837 votes naman ang nakuha ni Calix (Clifford), at 5,362 votes naman ang kay Zion (Marco Masa).

Ito ang opisyal na kauna-unahang pagkakataon sa buong kasaysayan ng GMA Network website na makalikom ng ganito katindi at kalaking bilang ng boto sa isang online poll, isang malinaw na patunay sa walang katulad na suporta at pagmamahal ng Kapuso viewers sa serye!

Hinirang ang karakter ni Heath Jornales na si Miguel bilang opisyal na “Finale Kilig Meter Poll Winner” matapos makalikom ng kabuuang 2,346,077 na boto. Ang nasabing makasaysayang tagumpay ay nagmula sa pinagsamang 8,623 heart reacts sa social media at 2,337,454 na boto mula sa opisyal na website ng network.



Ngayong huling linggo ng serye, tumutok sa mga sunod-sunod na pasabog at humanda nang muling kiligin at maniwala sa power of dreaming kasama sina Angel (Caprice Cayetano), Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa)!

Abangan ang mas tumitindi at mas kapanapanabik na FINALE week ng You're My Favorite Song, ngayong linggo, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Kilalanin ang cast ng You're My Favorite Song