
Mapapanood na ang inspiring at puno ng next-gen kilig na serye ng GMA Public Affairs na You're My Favorite Song tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Ang You're My Favorite Song ay iikot sa kuwento ni Angel, isang matalinong babae na gustong magtayo ng beach resort para sa tuparin ang bucket list ng kanyang Lolo Xavi.
Pero nang tangkaing agawin ng isang malaking kumpanya ang kanilang lupa, magtutulungan si Angel at ang kanyang mga kaklase para ipaglaban ito.
Sa gitna ng laban, makakahanap sila ng tunay na kaibigan at unang pag-ibig, mapoprotektahan ang pamana ng pamilya, at mapapatunayan na walang pangarap na masyadong malaki kapag ipinaglaban.
Magsasama sa kauna-unahang pagkakataon at bibida sa isang serye sa telebisyon ang Kapuso young rising stars na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano.
Makakasama rin nila sa seryeng ito ang powerhouse cast na sina Waynona Collings, Lee Victor, Kairo Lazarte, Andrei Fajardo, Boboy Garrovillo, James Blanco, Katya Santos, at Wilma Doesnt.
Related Gallery: Cast ng You're My Favorite Song, kilalanin!
Sa direksyon ng premyadong direktor na si JP Habac.
Abangan ang You're My Favorite Song simula ngayong Lunes, June 22, 4:00 ng hapon sa GMA Afternoon Prime!