
Ilang araw na lang at mapapanood na ang pagtatapos ng minahal at tinutukang romance-drama series sa GMA Afternoon Prime—ang You're My Favorite Song.
Sa nakalipas na mga linggo, maraming fans at viewers ang sumama kay Angel Dimaculangan (Caprice Cayetano) sa pag-unfold ng kaniyang kuwento—mula sa buhay niya kasama ang pamilya Dimaculangan na sina Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) at Mama Bebe (Katya Santos), hanggang sa kaniyang mga pinagdaanan.
Natunghayan din ng mga solid na manonood ang nakakakilig na kuwento ng kaniyang journey sa Brighton Bay Academy kasama ang tatlong lalaking nabighani sa kaniyang kabaitan: sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa).
Hindi rin bumitaw ang audience sa kaniyang pagharap sa mga hamong dala ng naghihiganting si Serina (Kazel Kinouchi), pati na rin sa nakakaantig na pagtatagpo ng kaniyang landas at ni Enrico Montaverde (James Blanco).
Ngayong huling linggo ng serye, matapos matuklasan ng lahat na si Angel ay si Celestine, ang matagal nang hinahanap na nawawalang prinsesa ng mga Montaverde at anak ni Enrico, ano pa kayang panganib ang nakaabang sa kaniya at sa buo niyang pamilya?
Sa kabila ng pagpapanggap ni Serina na siya ay nagbago na, may bago na naman siyang masamang plano upang sirain ang buhay ni Angel, na para sa kaniya ay kahati niya sa atensyon at yaman ni Enrico.
Desidido pa rin si Enrico na ituloy ang kanilang divorce dahil sa pangangaliwa ni Serina kasama si Tyrone (Royce Cabrera).
Dahil sa galit at inggit, ipapain ni Serina sina Mama Bebe at Lolo Xavi upang pilitin si Enrico na ihinto ang divorce kapalit ng kaligtasan ng pamilya ni Angel.
Samantala, magkakasundo ang tatlong lalaking umiibig kay Angel na sina Miguel, Calix, at Zion. Isasantabi muna nila ang kompetisyon sa puso ng dalaga upang magkaisa at tulungan siyang harapin ang panganib.
Magtagumpay kaya si Serina sa kaniyang masamang plano? Makaligtas kaya sina Mama Bebe at Lolo Xavi?
Ano ang gagawin ni Angel para mailigtas ang kaniyang pamilya?
Paano kikilos nang sama-sama sina Miguel, Calix, at Zion upang protektahan si Angel?
Abangan ang mas tumitindi at mas kapanapanabik na FINALE week ng You're My Favorite Song, ngayong linggo, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!
Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!