GMA Logo Heath Jornales and Clifford
Source:You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Miguel, muling makakatapat si Calix sa Brighton Bay Academy!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 9, 2026 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Directive to Abalos: Go around PH to represent Marcos
Crocodile released back into Liguasan Marsh after rehabilitation
Ang Kulay ng Dangal at Pag-ibig: The Philanthropist's Journey to the True Color of Art

Article Inside Page


Showbiz News

Heath Jornales and Clifford


Abangan kung paano haharapin ni Miguel (Heath Jornales) si Calix (Clifford) sa pagbabalik nito sa school sa 'You're My Favorite Song!'

Kamakailan, naging parang knight-in-shining-armor si Miguel nang dumating siya bilang si Captain Serenade upang ipagtanggol si Angel (Caprice Cayetano) laban sa galit na galit na si Calix (Clifford). Hinahabol ni Calix ang dalaga dahil sa maling akusasyong si Angel ang nagpakalat ng fake video ng kaniyang pag-amin.

Hindi nakapagpigil si Calix at sinuntok ang ulo ng suot na bear costume ni Captain Serenade. Sa lakas ng impact, tumama sa lupa ang misteryosong karakter at tuluyang natanggal ang maskara nito—ang eksenang naghudyat sa malaking face reveal!

Napatulala si Angel nang tumambad ang katotohanan: ang lalaki sa likod ni Captain Serenade ay ang mismong paborito ng marami—si Miguel Miraflor, ang vocalist ng bandang Siklab!

Matapos malaman ni Angel ang katotohanan, nagkaroon sila ng maikling pag-uusap ni Miguel. Dito ipinaliwanag ni Miguel na kaya siya nagdidisguise bilang Captain Serenade ay upang malayang makapang-busking at kumanta nang malayo sa mata ng publiko—isang hilig na mariing tinututulan ng kaniyang sariling ama.


Bago maghiwalay, nakiusap si Miguel na panatilihin muna nilang lihim ang kaniyang tunay na pagkatao, na bukal sa loob namang pinagbigyan ni Angel.



Kamakailan, sa episode noong Biyernes, July 3, kasunod ng pagtumba niya habang nagpe-perform, binalaan si Miguel ng kaniyang doktor na kinailangan niya ng anim na buwan ng pahinga mula sa pagkanta dahil sa natagpuang lesions sa kaniyang vocal cords.

Ngayon namang Huwebes, July 9, mapagpapasyahan niya na bumalik at muling pumasok sa school, sa mismong eskuwelahan kung saan nag-aaral si Angel; ang Brighton Bay Academy. Sa kaniyang pagpasok dito, muli niyang makakaharap ang academic rival at bully na si Calix.

Marami namang fans at viewers ang sabik na sabik nang mapanood ang “school-boy era” ni Miguel. Narito ang ilang comments ng solid viewers at fans:



Abangan ang makulay at nakaka-excite na takbo ng kuwento ngayong magkakasama na sa iisang school sina Angel, Miguel, Calix, at Zion?

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!