GMA Logo  Caprice Cayetano and Heath Jornales
Source:You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Pagkikita nina Angel at Miguel, kinasasabikan ng netizens!

By Mark Joseph F. Carreon
Published June 26, 2026 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

29 students in Davao del Norte hospitalized in suspected food poisoning
Maestra sa Danao City, Nag-sorry sa Comment sa Social Media Batok USEC Castro | Balitang Bisdak
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News

 Caprice Cayetano and Heath Jornales


Nasasabik at kinikilig na ang mga fans at manonood sa pagtatagpo ni Angel (Caprice Cayetano) at ni Miguel (Heath Jornales) sa You're My Favorite Song!

Habang mas tumitindi ang kompetisyon sa pagitan nina Angel (Caprice Cayetano) at Calix (Clifford) para sa Top Student spot sa Brighton Bay Academy, marami naman ang nag-aabang sa muling pagtatagpo nina Angel at Miguel (Heath Jornales).

Sa episode noong Huwebes, June 25, ipinasilip ang mga susunod na kaganapan kung saan tila magkukrus na ang landas ng dalawa. Nangyari ito matapos makuha ni Miguel ang blue bag na ibinigay niya noon kay Angel bilang si Captain Serenade; isang eksenang nag-ugat sa naging alitan nina Angel at Calix.

Agad naman itong pinusuan ng mga netizen na kanya-kanyang nagpahayag ng kanilang excitement sa social media.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa inaabangang reencounter ni Angel at Miguel:

Kasalukuyan pa rin bumabagabag kay Lolo Xavi (Boboy Garovillo) at Mama Bebe (Katya Santos) ang pagbabalik ng galit na galit na si Serina (Kazel Kinouchi) at ang planong pagbili nito ng Gran Vista Resort.

Magkita na kaya nang tuluyan si Angel at Miguel? Abangan sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: 'You're My Favorite Song' stars feel overwhelming support from fans at media day