GMA Logo Youre My Favorite Song
What's Hot

You're My Favorite Song: Pagpasok ni Miguel sa Brighton Bay Academy, trending online!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 10, 2026 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Traffic situation (July 10, 2026) | GMA News
MU New Dawn SEA Grand Championship set for July 11, 2026
Farm to Table: Food trip at cooking showdown

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song


Pinag-usapan online ang pagbabalik sa school at pagpasok sa Brighton Bay Academy ni Miguel (Heath Jornales) sa 'You're My Favorite Song!'

Nayanig ang social media sa pinakahihintay na pagpasok ng karakter ni Heath Jornales na si Miguel sa Brighton Bay Academy, kasama ang kaniyang matalik na kaibigan at katrabaho sa bandang Siklab na si Jacob (Geo Mhanna).

Sa episode noong Huwebes, July 9, napagpasyahan ni Miguel na muling magbalik-eskwela. Ito ay matapos siyang payuhan na magpahinga nang anim na buwan sa pagkanta at pag-perform bilang lead vocalist ng Siklab dahil sa natuklasang lesions sa kaniyang vocal cords.

Para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral, pinili niya ang Brighton Bay Academy—ang mismong paaralan kung saan nag-aaral din sina Angel (Caprice Cayetano), Zion (Marco Masa), at ang kaniyang nakatapat na si Calix (Clifford).

Ang sorpresang pagpasok na ito ni Miguel ay kasunod ng isang napakatinding eksena kung saan nagkunwari siyang si 'Captain Serenade' upang ipagtanggol si Angel. Matatandaang galit na galit si Calix at pilit na hinahabol ang dalaga dahil sa maling hinala na si Angel ang nag-leak ng kaniyang kontrobersyal na confession video.

Sa tindi ng galit, hindi napigilan ni Calix ang sarili at sinuntok nang malakas ang ulo ng bear costume ni Captain Serenade. Sa lakas ng impact, bumagsak ito sa lupa na naging dahilan upang matanggal ang maskara nito, ang eksenang naghudyat sa isang malaking face reveal!


Sa unang araw pa lang nina Miguel at Jacob sa Brighton Bay Academy, muli na namang nagkatapatan ang dalawang magkaribal. Naabutan kasi ni Miguel na ginugulo muli ni Calix sina Angel at Zion.

Laking gulat ni Calix at ng buong campus sa pagpasok ng dalawang miyembro ng Siklab. Lalo pang nairita si Calix nang malaman na doon na opisyal na mag-aaral ang binata. Hindi naman inatrasan ni Miguel ang academic rival at bully ni Angel—deretsahan niya itong binantaan na huwag nang lalapitan o guguluhin ang dalaga, kundi siya ang makakalaban nito.


Naging mabilis ang reaksyon ng mga netizens sa maangas at matapang na pagbabalik ni Miguel upang protektahan si Angel. Narito ang ilang reaksyon at komento mula sa mga solid viewers at fans:


Dahil sa tindi ng ingay ng episode, agad na umakyat sa Top 1 Spot ng trending topics sa social media platform na X (dating Twitter) ang hashtag na “MIGUEL JOINS BRIGHTON BAY,” habang nakuha naman ng “ANGEL CAMPUS SOULMATES” ang Top 4 Spot.



Ano kaya ang mga susunod na kapana-panabik na tagpo ngayong magkakasama na sa iisang eskwelahan sina Angel, Miguel, Calix, at Zion? Magiging mas magulo kaya o mas titindi ang kilig sa Brighton Bay?

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!