GMA Logo Youre My Favorite Song Fan Meet
Source: gmapublicaffairs (IG)
What's on TV

'You're My Favorite Song' stars, magpapakilig sa isang fan meet ngayong August!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 6, 2026 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara Duterte's defense team arrives in Senate
VP Sara: Burden of proof lies on prosecution
Country's flag carrier expands routes in the U.S. and Canada

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song Fan Meet


Makaka-bonding ng mga bida ng 'You're My Favorite Song' ang kanilang solid fans sa isang fan meet ngayong August!

Ibinahagi ng GMA Public Affairs sa kanilang social media accounts ang isang kapana-panabik na balita para sa mga tagasubaybay ng afternoon romance-drama series na You're My Favorite Song kung saan magkakaroon ng fan meet ang programa kasama ang main stars nito!

Sa isang livestream noong Huwebes, July 2, nagbahagi ng mga detalye ang main cast na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano tungkol sa mga susunod na kaganapan sa kwento ng kani-kanilang mga karakter.

Bukod dito, nagpahapyaw rin ang apat na Kapuso young stars tungkol sa isang sorpresang handog na opisyal nilang inanunsyo noong Sabado, July 4, ang pinakahihintay na fan meet ng serye.

A post shared by You're My Favorite Song (@youre.myfavoritesong)



Sa naturang post, pormal na inanyayahan ng GMA Public Affairs ang mga masugid na tagasubaybay ng serye na tinatawag na "Faves", pati na rin ang iba't ibang fans at tagasuporta ng apat na lead stars.

Bunsod nito, bumuhos ang excitement sa comment section kung saan ipinahayag ng mga tagahanga ang kanilang labis na kasabikan para sa nalalapit na pagtitipon at pagkakataong makasama ang kanilang mga idolo.

“Ayan na nga may fan meet na! Caprice omg,” sulat sa comment ng isang fan.

“Grabeeee sobrang in demand ni Heath!!!” ani naman ng isa.

“Punta talaga ako, I won't miss it for life,” komento ng isang netizen.

“Let's go seated for Caprice Cayetano and the 3 boys,” sabi pa ng isa.

Gaganapin ang naturang fan meet sa August 1, Sabado, sa SM North Edsa Skydome, kung saan tiyak na maghahatid ng saya at kilig sina Heath, Clifford, Marco, at Caprice. Para sa mga nais dumalo, ang mga tiket ay magiging available sa publiko simula sa darating na July 15, Miyerkules.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)



Patuloy na subaybayan ang nakakakilig na kuwento ng You're My Favorite Song, mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Network Afternoon Prime at Kapuso Stream.

Related Gallery: 'You're My Favorite Song' stars feel overwhelming support from fans at media day