GMA Logo Caprice Cayetano and Heath Jornales
Source: You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Tambalang 'AnGuel,' nanguna sa pilot week kilig meter poll

By Mark Joseph F. Carreon
Published June 30, 2026 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila Water assures 24/7 supply amid lower Angat allocation
Bea Millan-Windorksi walks the runway for bridal couture show
Pabayang ama, binata pa rin kung umasta! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano and Heath Jornales


Panalo sa puso ng netizens ang 'AnGuel' matapos manguna sa kilig meter poll ng 'You're My Favorite Song' pilot week!

Pinusuan ng netizens ang tambalan ng karakter ng You're My Favorite Song lead stars na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales na sina Angel at Miguel, o mas kilala bilang ang tambalang AnGuel sa inilunsad na weekly kilig meter poll noong Huwebes, June 25.

Sa naturang poll na inilunsad ng GMA Public Affairs at GMA Network social media pages, maging sa GMANetwork.com, tinanong ang mga masugid na manonood ng GMA Afternoon Prime series kung sino nga ba sa tatlong ships nito ang kinakiligan at ang kuwentong kanilang sinubaybayan sa unang linggo nito sa telebisyon.

Pinagpilian ng viewers kung sino nga ba sa 'AnGuel,' tambalan nina Angel at Miguel; 'GeLix,' ang tambalan naman nina Angel at Calix; o ang 'ZiGel,' tambalan naman nina Zion at Angel, ang tunay na nagpangiti at nagparamdam sa kanila ng next-gen kilig sa pilot week ng serye.

Matapos ang apat na araw na tinakbo ng poll mula Huwebes hanggang Linggo, kanya-kanyang boto ang mga manonood at maging ang fans ng tatlong ships; at noong Lunes, June 29, ibinahagi na sa social media ang naging resulta ng naturang poll.

Ang tambalang AnGuel ang siyang hinirang na kilig meter poll winner matapos magkamit ng total na 257,477 votes, combined scores ng 18,442 heart reacts sa social media at 239,035 votes naman mula sa website.

Umani rin ito ng positibong reaksyon mula sa fans ng dalawa.

“Kahit i-everyday nyo pa to, CapEath lang talaga. But [I] love Marco and Clifford because they are all friends,” sulat ng isa sa comments section.

“Our Main Leads for a reason. Loved by solid fans and casual viewers,” ani ng isang netizen.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Patuloy na subaybayan sina Caprice at Heath bilang sina Angel at Miguel sa You're My Favorite Song, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: 'You're My Favorite Song' stars feel overwhelming support from fans at media day