
Nabiktima uli ng isang hacker ang social media star na si Alex Gonzaga.
IN PHOTOS: Celebrities na naging biktima ng online hackers
Base sa Instagram post ni Alex, sinusubukan daw ng hacker na makapasok sa kanyang Youtube channel na may mahigit 4.5 million subscribers.
Nagpasalamat din si Alex sa lahat ng mga tao na nag-alala para sa kanya.
“My profile pic is back!!!! We're still trying to manage my youtube account because the hacker is now trying to get into my ads. Thank you to everyone who kept messaging me and asking if my account is ok. I appreciate it!️”
Hindi ito ang unang beses na na-hack ang isa social media account ni Alex.
Ayon sa mga naunang ulat, na-hack ang Facebook account ng aktres noong 2015.
Sa comment section naman ng Instagram page ni Alex, sinabi nito na ang hacker ay maaring nagmula sa U.S.