
Isang bagong tambalan ang hatid ng Valentine's Day special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Sina Kapuso stars Ysabel Ortega at Kelvin Miranda ang magtatambal sa brand new episode na pinamagatang "Love in the Rearview Mirror."
Gaganap dito si Ysabel bilang Ella, isang babaeng nakatakdang ikasal sa anak ng business partners ng kanyang mga magulang.
Si Kelvin naman ay si Alex, ang naatasang mag-drive kay Ella sa kanyang wedding destination.
Pagdating nila doon, magbabago ang isip ni Ella kaya hihingi siya ng tulong kay Alex para tumakas sa kasal.
Saan makakarating ang runaway bride at ang kanyang driver? Ano kaya ang matutunan nila sa isa't isa?
Abangan ang brand new episode na "Love in the Rearview Mirror," February 11, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.