
Hindi napigilang maging emosyonal ni Ysabel Ortega sa kanyang pamamaalam bilang Hara Armea at sa mga aktor at crew na nakasama niya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa pagtatapos ng Sang'gre, ipinarating ni Ysabel ang kanyang pasasalamat sa mga taong nagtiwala at gumabay sa kanya, at sa pagkakataong nabigyang-buhay si Hara Armea ng Sapiro.
"Sa lahat ng bumubuo ng Sang'gre, maraming salamat sa tiwala, sa laging paggabay, and for the chance to be able to bring Hara Armea to life. I cannot begin to express how grateful I am for the opportunity to be a part of this world," sulat ni Ysabel.
Nagpasalamat din ang aktres sa suporta at pagmamahal ng Encantadiks sa Sang'gre at sa mga karakter nito.
"Sa lahat ng Encantadiks, maraming salamat sa inyong suporta at sa pagmamahal sa aming mundo at mga karakter. Hanggang sa susunod nating pagkikita, Avisala Eshma," dagdag niya.
Nag-iwan din siya ng mensahe para kay Hara Armea. Aniya, "At para kay Armea, bilib ako sa iyong puso, paninindigan, at iyong tapang. At sa wakas… malaya ka na."
Bukod dito, ibinahagi rin ni Ysabel ang video mula sa kanyang last taping day sa Sang'gre, kung saan nakasama niya sina Jon Lucas, Luis Hontiveros, at Jenzel Angeles.
Ipinakita rin niya rito ang behind-the-scenes ng nakakakilig na proposal ni Hara Armea kay Daron (Jon).
Nagkaroon din sina Jon, Luis, at Ysabel ng pagkakataon na makapagbigay ng mensahe sa isa't isa at sa mga taong nasa likod ng kamera.
"Maraming-maraming salamat po at binigyan n'yo kami ng pagkakataon na mas mahalin at mas ipakita sa lahat si Armea, si Sodarius, si Daron nang mas malalim pa. Mahal ko po kayong lahat," tagos sa pusong pamamaalam ni Ysabel. "Armea, signing off."
RELATED GALLERY: Angel Guardian sa pagtatapos ng 'Sang'gre': 'Hanggang sa muli, mahal
kong Deia'