GMA Logo Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix
What's Hot

Ysabel Ortega kay Miguel Tanfelix: 'How long are you willing to love me?'

By Jimboy Napoles
Published December 13, 2023 9:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano hangs out with 'KPop Demon Hunters' singer Arden Cho
Why your fire safety plan needs financial backup
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News

Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix


Alamin ang naging sagot ni Miguel Tanfelix sa tanong na ito ni Ysabel Ortega, RITO:

“How long are you willing to love me?”

Ito ang tila linya sa pelikulang katanungan ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega sa kanyang rumored boyfriend na si Miguel Tanfelix tungkol sa kanilang relasyon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda kasi ngayong Martes, December 12, sinabihan ng batikang TV host sina Ysabel at Miguel kung ano ang gusto nilang itanong sa isa't isa.

Unang nagsalita si Miguel at nagtanong kay Ysabel, “I just want to know kung genuinely happy ka ba sa kung anong meron tayo ngayon?”

“Honestly… charot,” biro ng aktres.

Pero paglilinaw niya, “Of course, super. Hindi mo alam how happy you make me.”

Hindi naman napigilan ni Ysabel na maging emosyonal nang sabihin niya kung gaano kahalaga ngayon si Miguel sa kanyang buhay.

“Siguro 'yung patience niya kasi. Well, halos araw-araw kasi magkasama kami even if hindi kami magkasama lagi niya akong kinakausap and palagi akong nagra-rant sa kanya about my problems.

“So, super grateful ako na palagi siyang nandiyan para makinig sa lahat,” naluluhang sinabi ni aktres.

Matapos ito, si Ysabel naman ang nagtanong kay Miguel. Aniya, “How long are you willing to love me?”


RELATED GALLERY: Ysabel Ortega makes heartwarming promise to Miguel Tanfelix


Mabilis naman itong sinagot ng aktor. Ayon kay Miguel, mas naging malakas siya ngayon dahil sa pagmamahal niya kay Ysabel kaya handa umano siyang maghintay para sa dalagang aktres.

“Tama 'yung sinabi ni Tito Boy kanina, 'yung love, it makes you strong. Ako, never kong nakitang ganito 'yung sarili ko before.

“So, nagugustuhan ko 'yung version ng sarili ko ngayon. Kaya I'm willing to wait. 'Yung patience ko kahit hindi ako pasensiyosong tao, hahabaan ko ang pasensiya ko for you,” ani Miguel.

Sa nasabing panayam, inamin din nina Ysabel at Miguel na “exclusive” sila ngayon para sa isa't isa.

Samantala, mapapanood naman sina Ysabel at Miguel sa pelikulang Firefly kasama sina Alessandra De Rossi, Euwenn Mikael, at Dingdong Dantes.

Ito ang isang entry ng GMA Pictures sa 2023 Metro Manila Film Festival na magbubukas sa December 25.