GMA Logo Ysabel Ortega
Photo source: 24 Oras
Celebrity Life

Ysabel Ortega, may Christmas wish para kay Miguel Tanfelix

By Karen Juliane Crucillo
Published December 20, 2024 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ysabel Ortega


Patuloy lamang ang pagsuporta ni Ysabel Ortega kay Miguel Tanfelix.

Isang matamis na Christmas wish naman ang inihandog ng Sparkle artist na si Ysabel Ortega para sa Mga Batang Riles star na si Miguel Tanfelix.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, Huwebes, naitanong kay Ysabel ang kanyang Christmas wish para sa isang mahal niya sa buhay.

Diretso na sinagot ni Ysabel na ang kanyang Christmas wish ay para kay Miguel.

"Ang hinihiling ko kay Miguel is of course, success sa career niya and good health rin," sabi ng aktres.

Talagang punong puno ng kilig ang holiday season nina Ysabel at Miguel!

Sumailalim rin si Ysabel sa script analysis masterclass ni Ricky Lee at Direk Aloy Adlawan.

Ibinahagi ng aktres na ang masterclass na ito ay isang malaking bagay dahil magagamit daw niya ito sa upcoming and ongoing shows.

Dagdag nito, "Hindi lang 'yun sa pagganap mo bilang aktres, pero ang dami ring factors na mas makakatulong sa pag-intindi namin sa role namin."

Inilahad ng aktres na mahalaga na matutunan niya rin ang proseso ng pagsusulat ng isang istorya.

Tingnan naman ang kilig photos nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix dito: