
Sinagot ni Ysabel Ortega kung nakaramdam ba siya ng tampo kay Miguel Tanfelix nang mag-solo backpacking ito sa South America.
Sa interview ni Ysabel sa Fast Talk With Boy Abunda noong December 26 , sinabi ng Sparkle star na hindi ito nagtampo sa aktor.
“Hindi, Tito Boy. Kasi umpisa pa lang po ng pagkakakilala ko kay Miguel, alam kong mahilig na talaga siya mag-backpacking. Mostly solo backpacking talaga 'yung gusto niya to explore the world,” ani Ysabel.
Dagdag ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins actress, iba ang dynamics nila ni Miguel kapag silang dalawa ang nagta-travel together.
“Iba 'yung dynamic namin pag bumabiyahe kami, and siyempre, iba rin pag mag-isa lang siya,” sagot ni Ysabel.
Ayon kay Ysabel ay palagi pa rin silang nag-uusap ni Miguel at palagi siya nitong inu-update kahit nasa malayo.
“I'm grateful for that. Kasi at least, kahit hindi niya ko kasama, hindi naman rin niya pinaparamdam na hindi ako kasama sa journey niya traveling,” kwento ng aktres.
Nag-solo backpacking si Miguel sa South America noong September 2025 at nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ang Brazil, Peru, at Argentina.
Samantala, naikwento rin ni Ysabel na maayos ang relasyon ni Miguel sa kanyang pamilya, at maging siya ay maganda rin ang relasyon sa pamilya ng aktor.
“They're good. Miguel is very ma-effort when it comes to my family and building a relationship with them. And of course, same naman din ako with his family,” ani Ysabel.
SILIPIN ANG MGA TRAVEL PHOTOS NI MIGUEL TANFELIX SA GALLERY NA ITO: