GMA Logo ysabel ortega and miguel tanfelix
What's on TV

Ysabel Ortega, naiyak sa huling performance ng Voltes team sa 'All-Out Sundays'

By Nherz Almo
Published September 3, 2023 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

ysabel ortega and miguel tanfelix


Alamin ang mensahe ng 'Voltes V: Legacy'actors para sa mga masugid na manonood ng live action series sa GMA Telebabad.

Hindi napigilan ni Ysabel Ortega ang maging emosyunal matapos ang performance niya kasama ang Voltes V: Legacy co-stars niyang sina Miguel Tanfelix, Rhadson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho sa All-Out Sundays kanina, September 3.

“Teka lang muna,” maluha-luhang sabi ni Ysabel nang hingan ng mensahe para sa mga manonood ng kanilang live action series.

Pagkatapos ay sinabi ng aktres, na gumaganap bilang Jamie Robinson, “Na-emotional lang ako hearing na ito yung last time na magpe-perform kami as a Voltes Team dito sa All-Out Sundays stage.

“Unang-una sa lahat, mga Kapuso, maraming-maraming salamat po sa poagsbaybay sa Voltes V: Legacy. Sobrang grateful po kami na na-enjoy n'yo yung show namin. Maraming-maraming salamat! Sobrang pinaghirapan po namin 'to, so para po 'yan sa inyong lahat. Para po sa atin 'to.”

Para patawanin si Ysabel, pabirong hirit ni Miguel sa kanyang ka-love team, “Na-pressure tuloy ako, actor's cue… Joke lang!”

Patuloy pa ng aktor, na gumaganap bilang Steve Armstrong, “Sa akin naman, sobrang grateful ko sa lahat ng sumuporta sa Voltes V: Legacy. Kung alam n'yo lang yung pinaghirapan namin dito. Proud ako dito dahil gawang Pinoy 'to, gawang atin. Kaya maraming salamat, mga Kapuso!”

Katulad nina Ysabel at Miguel, nalulungkot din si Matt, na gumaganap bilang si Big Bert.

Pero aniya, “Naiiyak ko na lahat doon sa set. Pero ngayon, masaya ako kasi hindi naman sa Voltes V nagtatapos, forever naming dadalhin 'to and naging pamilya ko rin ang buong Voltes V.”

Ganito rin ang naging pahayag ni Rhadson, na nakilala bilang si Mark Gordon sa live action series sa GMA Telebabad.

Sabi ng binatang aktor, “Ako rin po, I'm very sentimental about it. Pero, at the same time, I'm very proud na natapos na namin yung Voltes V: Legacy kasi, grabe, super tagal naming tinape 'to and lahat talaga naghirap, pawis, dugo, para lang mapasaya ang mga Kapuso at mga Pilipino.”

Magkahalong lungkot at saya naman ang nararamdaman ng pinakabatang aktor sa Voltes V: Legacy na si Raphael.

Paliwanag niya, “Malungkot po ako kasi 'tapos na po yung taping namin. At yung mga pinagsamahan namin, mga bonding namin, hindi na po mauulit yun sa Voltes V set. 'Tapos, masaya naman po ako kasi mas makakapag-focus na ako sa school. At dahil po sa Voltes V: Legacy, mas marami pong opportunities ang dumating sa akin.”

Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega wow San Diego Comic-Con attendees in their 'Voltes V: Legacy' costumes

Sa kabilang banda, bagamat isang kontrabida sa serye, sentimental din ang aktor na si Martin del Rosario sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang programa.

Ayon sa aktor na gumanap bilang Prinsipe Zardos, Sa tagal naming magkakasama, three years kami rito, lahat sila mami-miss ko--from Camp Big Falcon team, the Voltes team, and of couse, yung favorite ko, yung Bozy Gang sina Draco, Zuhl, at Zandra.”

Bago matapos ang segment, muling nag-volt it ang Voltes V: Legacy actors sa All-Out Sundays.

Patuloy na subaybayan Voltes V: Legacy, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Panoorin ang performance ng Voltes team sa All-Out Sundays dito: