
Challenging at exciting para kay Ysabel Ortega ang bagong role na gagampanan sa upcoming series na SLAY.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, aminado si Ysabel na na-challenge siya sa kanyang role sa SLAY dahil ito ang unang pagkakataon na gagawa siya ng isang murder mystery series.
Malaki rin aniya ang pagkakaiba ng karakter na gagampanan niya sa SLAY kumpara sa dati niyang heroine role sa Voltes V: Legacy.
Sa SLAY, makikilala si Ysabel bilang Yana, isang law student na gagawin ang lahat para mapanatili ang upper class lifestyle niya.
"Malaki. I think this is my first time talaga doing a show with this kind of genre," ani Ysabel.
“Ibang-iba siya talaga sa past roles ko na alam mo 'yon from being a superhero, from being someone who saves the world, nandito ka ngayon sa isang role na posibleng nakapatay ka ng isang tao.
"I just love the shift and sobrang nacha-challenge din ako actually as an actor dito sa role ko. And, I'm so excited din na mapanood na ng mga Kapuso and viewers natin itong bagong role ko na ito," dagdag niya.
Kahit na challenging, nakaka-relate si Ysabel sa kanyang karakter na isang law student.
"Well, fun fact, actually, naging law student din ako dati so sobrang na-fulfill ko 'yung dream ko na ipagpatuloy ko 'yung school ko. So, at least dito sa SLAY naranasan ko. And, and dami kong natututunan about criminal procedures because of what happened nga kay Zach.
"But, apart from that nakaka-relate din ako kay Yana kasi she has such a positive outlook in life, and sobrang kahit na anong mangyari sa kanya, kahit anong pagdaanan niya talagang napaka-positive pa rin niya and she always look at the brighter side. And feeling ko ganu'n din kasi ako. I love the positivity of Yana.
"I also love how she treasures her friendship with her friends. So, titingnan natin sa show na ito kung anong gagawin kapag nagkaroon siya ng malaking pagsubok. And, kung magiging positive pa ba siya afterwards."
Makakasama ni Ysabel na bibida sa show sina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, at Julie Anne San Jose bilang Liv, maging ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio bilang Zach at Royce Cabrera bilang Juro.
Ilan pa sa mga bituin na bubuo sa serye ay sina James Blanco, Tina Paner, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
Abangan si Ysabel Ortega sa SLAY simula March 24, 9:25 p.m. sa GMA.
Panoorin ang teaser ng GMA Network para sa SLAY rito:
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG 'SLAY' SA GALLERY NA ITO: