
Itinanong kay Ysabel Ortega kung nagiging maingat ba siya sa pagbibigay respeto sa mga veteran actors lalo na't may mga ilang nauulat na mga young stars na hindi okay sa kanilang mga katrabaho.
Sinagot ni Ysabel ito sa ginanap na Beautéderm x Sparkle media conference nitong March 7 sa Luxent hotel.
Sina Ysabel, Buboy Villar, Patricia Tumulak, EA Guzman, at Thia Thomalla ay ipinakilala bilang mga bagong endorsers ng beauty and wellness brand. Nag-renew naman ng contract bilang endorsers sina Cassy Legaspi, Ruru Madrid, Rayver Cruz, at Sanya Lopez.
PHOTO SOURCE: @ysabel_ortega
Ayon kay Ysabel, ang pagbibigay respeto ay dapat natural na sa isang tao at hindi na dapat ito pinag-iisipan.
Sagot ng Sparkle star "For me, 'yung respeto dapat na ibibigay mo sa co-workers mo kailangan hindi na siya conscious effort e. Kasi 'yung respeto naman po dapat nasa loob mo na talaga 'yun."
"If you have the respect it shouldn't be a conscious effort na a dapat maging magalang ako," paliwanag ni Ysabel sa harap ng entertainment press.
Para kay Ysabel, nagiging totoo lang siya sa kaniyang sarili tuwing sasabak siya sa isang proyekto.
"Ako naman po, basta I'm just working with them and just being myself. Siguro 'yung mas pinaka-conscious ako is more on to give respect to where respect is due."
Ayon pa sa aktres, "'Yung pagiging professional, 'yung pagiging magalang, pagiging courteous sa mga katrabaho ko, shouldn't be na kailangan pag-isipan."
Abangan si Ysabel sa kaniyang pagganap bilang Jamie Robinson sa Voltes V: Legacy.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA SPARKLE X BEAUTéDERM MEDIA CONFERENCE: