GMA Logo Ysabel Ortega in Fast Talk with Boy Abunda
Photo by: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Ysabel Ortega, papayagan ba si Miguel Tanfelix na makipag-love scene sa iba?

By Aimee Anoc
Published April 28, 2026 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sangkaterbang sibuyas na 'di maibenta at nasira, itinapon na lang
APO, GIVE-UP na mag-aral para alagaan si LOLA | Barangay Love Stories
BINI meets Laufey at Billboard Women In Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Ysabel Ortega in Fast Talk with Boy Abunda


Alamin ang sagot ni Ysabel Ortega sa tanong kung papayag ba siyang magkaroon si Miguel Tanfelix ng kissing scenes o love scenes sa iba rito.

"Pipikit na lang ako, Tito Boy," iyan ang naging pabirong sagot ni Ysabel Ortega nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung papayag ba siyang makipag-love scenes o kissing scenes si Miguel Tanfelix sa iba.

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, April 27, kasama ang Encantadia Chronicles: Sang'gre co-star na si Jon Lucas, sinabi ni Ysabel na malaki ang tiwala niya kay Miguel kaya naman hindi niya ito pipigilan kung magkaroon man ito ng love scenes sa iba.

"If it's something he wants to do, why not? Basta ako, may tiwala ako kay Miguel. Parang ako pa nga po 'yung mas kinakabahan sa kissing scene," natatawang sabi ng aktres.

At kung sakaling siya naman ang magkakaroon ng love scenes sa iba, palagay ni Ysabel ay magiging supportive din si Miguel sa kanya.

"Feeling ko magiging supportive naman po si Miguel," sagot niya.

"Actually, hindi ko pa po siya nagagawa. Never pa ako nagka-kissing scene. I'm waiting for the right material din siguro. Pero, if mayroon man, he would be supportive naman."

Panoorin ang buong interview nina Ysabel Ortega at Jon Lucas sa Fast Talk with Boy Abunda rito: