GMA Logo ysabel ortega in what we could be
Source: ysabel_ortega (IG)
What's on TV

Ysabel Ortega, pinuri ang performance sa 'What We Could Be' pilot episode ng netizens

By Jansen Ramos
Published August 30, 2022 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Grab submits list of drivers, partners for fuel aid program
NAIA Terminal 3 now offers complimentary shuttle to Clark International Airport
Authorities stress safety at beaches, other swim locations

Article Inside Page


Showbiz News

ysabel ortega in what we could be


Trending ang #WhatWeCouldBeWorldPremiere na isa sa mga hot topic sa Twitter kagabi, August 29.

Pinag-usapan ang pilot episode ng bagong GMA at Quantum Films series na What We Could Be na nag-premiere noong Lunes, August 29, sa GMA Telebabad.

Trending ang #WhatWeCouldBeWorldPremiere na isa sa mga hot topic sa Twitter kagabi.

Sa unang episode, nakasentro ang kwento sa character ni Ysabel Ortega na si Cynthia, isang nurse.

Napanood ang pagiging mapagmahal na anak ni Cynthia na breadwinner ng kanyang pamilya.

Hindi perpekto ang pamilya ni Cynthia pero, ayon sa isang viewer, ideal ang pamilya ni Cynthia na binubuo ng mga karakter nina Aleck Bovick, Soliman Cruz, at Vince Crisostomo.

"Let's be honest. Macaraeg family is everyone's ideal family. They have whatever it takes to make a family work like having a humorous parent who doesn't place pressure on their child. Love strengthens family bond," sabi sa tweet.

Nagsimula rin ng diskusyon sa Twitter ang heart-to-heart talk ni Cynthia at ng kanyang inang si Melba (Aleck).

Sa gitna ng nakakaantig na pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Cynthia na walang makakapantay sa kanyang nanay, sabay birong sabi na pwede rin niyang maging nanay si dating Vice President Leni Robredo o Princess Diana.

"SAME, GIRL, SAME! I WOULD LOVE VP LENI ROBREDO AS MY MOTHER!!!!" tweet ng isang netizen na nagrepost ng eksena nina Ysabel at Aleck, na sinang-ayunan ng iba pang Twitter users.

Pinuri naman ang performance ni Ysabel na launching series ang What We Could Be.

"Magaling 'tong si Ysabel umarte, 'di s'ya OA," komento ng isang viewer tungkol sa pagganap ng aktres.

Hindi naman naiwasang maiyak ng viewer na ito sa eksena ni Ysabel.

"Yung scene pa lang na pumasok si Cynthia sa room niya... hindi pa siya umiyak but I already felt the emotions. Nauna pa kong umiyak dahil mararamdaman mo talaga ang pagdeliver ng scene. So damn proud of you @YsaOrtega_," sabi sa tweet.

Hindi rin nagpahuli ang ibang viewers sa replay ng What We Could Be na ipinapalabas sa GTV.

Samantala, inaabangan naman ang paglabas ni Miguel Tanfelix na gaganap na Franco na mapapanood na ngayong Martes, August 30.

Mapapanood ang What We Could Be mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.

Ang replay ng rom-com series ay ipinapalabas mula Lunes hanggang Huwebes sa ganap na 11:30 ng gabi, at Biyernes sa oras naman na 11:00 p.m. sa GTV.

May livestreaming din ang What We Could Be sa GMA Network website, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Magiging available naman ang episodic highlights ng bagong teleserye sa GMANetwork.com o GMA Network app at sa official social media pages ng network.

Para sa iba pang updates tungkol sa What We Could Be, bisitahin ang kanilang official Facebook page (WhatWeCouldBeGMA) at Instagram account (whatwecouldbegma).

NARITO ANG PASILIP SA BAGONG KAKIKILIGANG SERYE SA GABI: