GMA Logo Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix
Photo by: Ysabel Ortega
What's Hot

Ysabel Ortega, sinorpresa ni Miguel Tanfelix sa taping ng 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published January 26, 2026 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran Oil Warning Ano ang epekto sa Pilipinas kung umabot sa $200/barrel ang langis? | GMA Integrated Newsfeed
Get to know this buko sherbet vendor who looks like Chris Brown
P95M shabu seized, alleged drug courier nabbed in Surigao City

Article Inside Page


Showbiz News

Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix


Happy birthday, Ysabel Ortega!

Tuwang-tuwa at napasigaw si Ysabel Ortega nang sorpresahin ni Miguel Tanfelix sa kanyang kaarawan habang nasa taping ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa Facebook, ibinahagi ni Ysabel ang video nang dalhan siya ng cake at flowers ni Miguel habang nasa taping at seryosong nakikipag-eksena bilang Hara Armea kay Gabbi Garcia, na gumaganap naman bilang Sang'gre Alena.

Hindi rin napigilan ni Ysabel na mapaluha sa tuwa sa natanggap na sorpresa, at niyakap si Miguel.

"At may pahabol pa nga na nag-surprise habang nag-eeksena. Thank you, Miguelito kooo," sulat ni Ysabel na may kasamang heart emojis.

Ipinagdiwang ni Ysabel ang kanyang 27th birthday noong Linggo, January 25. Bukod kay Miguel, nakatanggap din siya nang pagbati mula sa Sang'gre co-stars na sina Jon Lucas at Jenzel Angeles, at celebrities na sina Matt Lozano at Rayver Cruz.

Patuloy na subaybayan si Ysabel bilang Armea sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

SAMANTALA, TINGNAN ANG GLOW-UP TRANSFORMATION NI YSABEL ORTEGA SA GALLERY NA ITO: