GMA Logo SLAY actress Ysabel Ortega
Photo by: ysabel_ortega (IG)
What's on TV

Ysabel Ortega, 'sisters' ang turing kina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Julie Anne San Jose sa 'SLAY'

By Aimee Anoc
Published March 24, 2025 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

SLAY actress Ysabel Ortega


"I feel like I've gained sisters, and ganito pala 'yung pakiramdam na may kapatid na babae na talagang nandyan para sa 'yo to support you and to cheer for you." - Ysabel Ortega

Thankful at masaya si Ysabel Ortega na makatrabaho sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Julie Anne San Jose sa SLAY dahil, aniya, tila nagkaroon siya ng mga kapatid na babae.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Ysabel kung gaano siya ka-close sa co-stars na sina Gabbi, Mikee, at Julie Anne sa set ng SLAY.

"First time ko na magkaroon ng ganitong serye na ang kasama ko sa show is girls that are also my age. So, I'm so happy," sabi ni Ysabel.

"Parang feeling ko, para lang din kaming magbabarkada when we're on set. Sobrang clingy namin sa isa't isa na gusto namin palagi kaming magkasama sa isang tent. Gusto namin na palagi kaming magkasama na nagla-lunch. And, it feels good 'di ba na magkaroon ka ng ganung sisterhood na relationship when you're working," dagdag niya.

Ani Ysabel, ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya sina Gabbi at Julie Anne sa iisang serye, at matagal-tagal na rin nang huli niyang nakatrabaho si Mikee.

"All I can say is everyone is so talented. Sobrang nakaka-inspire talagang magtrabaho nang mabuti sa set. I love working with them.

"I feel like I've gained sisters, and ganito pala 'yung pakiramdam na may kapatid na babae na talagang nandyan para sa 'yo to support you and to cheer for you."

Pagbibidahan nina Gabbi, Mikee, Ysabel, at Julie Anne ang pinakabagong murder mystery series na SLAY.

Ilan pa sa bituin na bubuo sa serye ay sina Derrick Monasterio, Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, Gil Cuerva, at Nikki Co.

Abangan ang TV premiere ng SLAY ngayong Lunes, March 24, 9:25 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin itong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.

Panoorin ang trailer ng SLAY sa video na ito: