
Walang paligoy-paligoy na nagbigay ng opinyon ang Sparkle star na si Ysabel Ortega sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa pagiging “matinik” ng kaniyang manliligaw at on-screen partner na si Miguel Tanfelix.
Matatandaan na nang sumalang si Miguel sa naturang programa kasama ang TV host na si Boy Abunda, inamin ng binatang aktor na nagkaroon siya ng relasyon sa kapwa Kapuso stars na sina Bianca Umali, Kyline Alcantara, at Barbie Forteza.
Kung kaya't sa panayam ni Boy kay Ysabel ngayong Biyernes, tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa pagiging tila “matinik” ni Miguel pagdating sa kababaihan.
Sagot ng dalagang aktres, “For me po, it's not up to me, it's up to him. If he wants to you know, not to be matinik anymore, if he doesn't want to be then sa kaniya po 'yun.
“Basta ako nandito lang po ako.. The ball's in his court if gusto po niyang maging whatever, that's his call.”
Ayon pa kay Ysabel, alam naman niya ang tungkol sa mga nakaraan ni Miguel at open naman sila sa isa't isa.
Sa ngayon ay masugid pa rin ang panliligaw ng aktor hindi lamang sa kaniya kung 'di pati na rin sa kaniyang mga magulang lalo na sa kaniyang mommy na si Michelle Ortega.
Samantala, malapit na ring mapanood ang Voltes V: Legacy kung saan bida sina Ysabel at Miguel.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NINA YSABEL ORTEGA AT MIGUEL TANFELIX SA GALLERY NA ITO: