
Tila unti-unti nang natutupad ang hiling ng Yumates na mapanood ang P-Pop girl group ng Born to Shine na Yumi bilang totoong grupo nang mapanood sila sa naganap na 2026 Filipino Diaspora Summit.
Ito ang kauna-unahang guest appearance ng Yumi sa labas ng kanilang serye.
Ang Diaspora Summit, na naganap sa Marriott Hotel sa Pasay City ngayong Miyerkules, June 17, ay isang pagtitipon na inorganisa ng Commission on Filipino Overseas para pag-usapan ang lagay ng Global Pinoys sa iba't ibang bansa.
Dinaluhan ito ng ilang government officials at private sector leaders mula sa iba't ibang bansa.
Sa Facebook, nag-post si Gaea ng kanilang performance ng ikalawang single ng Yumi na “Ikaw ang Dahilan.”
Sabi ng singer-actress sa caption, “From reels to real?! YUMI's first-ever guesting as a P-Pop group Thank you to the 2026 Filipino Diaspora Summit for having us grace your event.”
BALIKAN ANG BEHIND THE SCENE HIGHLIGHTS NG 'BORN TO SHINE' ALBUM LAUNCH SA GALLERY NA ITO:
Sa caption, marami naman ang natuwa sa pag-guest ng Yumi sa naturang event, lalo na at tila nagiging totoong P-Pop group na nga sila.
“Sabi na ee unang kita ko sa kanila malaki potential na maging real girl group at ayun na nga hehe,” sabi ng isang netizen.
Isang netizen naman ang nagsabing global domination na ito ng grupo.
May netizen din na humiling na sana tuloy-tuloy na ang Yumi bilang isang grupo sa labas ng kanilang serye.
“Ang galing parang totoong girl group talaga sila,” sabi sa isa pang komento.
“Naging real na talaga sila! co
Kabilang ang Yumi, na kinabibilangan nina Zephanie, Olive May, Naya Ambi, Mitzi Josh, at Gaea Mischa, sa mga nagtanghal sa naganap na pagtitipon. Present din doon ang head ng GMA Pinoy TV, ang international arm ng GMA Network, na si Sir Joseph T. Francia, at winelcome naman sila ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) Head na si Sec. Clint Ang.
ngrats YUMI!” sulat naman ng isa pang netizen.
Sa panayam ng grupo sa Fast Talk With Boy Abunda kamakailan, nabanggit nila na bukas sila maging tunay na P-pop group kung sakaling mabigyan ng pagkakataon.
"It's a big dream for us na baka magkatotoo talaga and kung mabibigyan ng chance, parang gusto po talaga namin maging YUMI in real life," sabi ng bida ng serye na si Zephanie.
Alamin ang iba pa nilang pahayag dito:
born_to_shine, Yumi, Zephanie, Olive May, Naya Ambi, Mitzi Josh, at Gaea Mischa, Joseph T. Francia, Sec. Clint Ang, Commission on Filipinos Overseas, 2026 Filipino Diaspora Summit, p-pop, girl group, guest appearance, global pinoy, celebrity, celebrity life, entertainment, showbiz news, showbiz news today, rss, rssfeed