
Sa unang linggo ng Yumi's Cells, tanggap na sana ni Yumi ang kaniyang malungkot na kapalaran bilang single after ng kaniyang matinding heartbreak, pero sadyang mapaglaro ang tadhana at si Eugene na talaga ang lumalapit sa kaniya kahit umiwas at nagtatago ito.
Sent in total shock, kilig, and excitement ang cells ni Yumi sa mga nakakakilig na interaksiyon nila ng kaniyang crush na si Eugene! Bukod pa sa pagiging guwapo nito ay napakabait pa kaya naman lalong nahuhulog si Yumi.
Hindi talaga madali ang journey to love and kilig nina Yumi at Eugene kapag may pakielamerang officemate tulad ni Ruby. Nalungkot at heartbroken man ang cells niya, hindi pa rin 'to magiging hadlang para sa blooming relationship nila ni Eugene.
Patuloy ang pangingialam ng officemate ni Yumi na si Ruby sa namumuong friendship nila ni Eugene, pero to the rescue ang nagbabalik na wounded cell ni Yumi na si Love. With her authority, nilabas na nila ang lakas ni True Feeling na talagang nag-push kay Yumi na maging honest with her feelings!
Dahil sa tapang at determination ni Yumi ay nakuha na niya ang kaniyang anticipated date and alone time with Eugene! Hirap at na-late man, hindi ito naging hadlang para makarating si Yumi.
It is 'us against the world' talaga sina Eugene at Yumi dahil sa lakas at determinasyon niya para bigyan siya ng perfect at ideal date! Lahat ay gagawin makasama lang si Eugene, kahit na kailangang iwan si Ruby on her own.
Another heartbreak is on the way nga ba ngayong nalaman na ni Eugene ang true feelings ni Yumi? Sa kabila ng kaniyang “magandang personality” at “cuteness”, broken-hearted ulit si Yumi dahil sa confession ni Eugene na hindi babae ang kaniyang gusto.
When a door closes, another one opens talaga dahil makikilala na ni Yumi si Brent. Thanks to Eugene, totoong magsisimula na ang kaniyang road to new love and healing!