GMA Logo Yummy Bakers in Family Feud
What's on TV

Yummy Bakers mula Imus, Cavite, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published March 29, 2023 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Yummy Bakers in Family Feud


Congratulations, Team Yummy Bakers!

Masayang-masaya ang Team Yummy bakers mula sa Imus, Cavite nang maipanalo nila ang PhP 200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud, kahapon, March 28.

Binubuo ang nasabing team ng mga mahuhusay na bakers na sina Rudette Escultero, Mitch Camposano, Fhe Perez, at Herold Legaspi.

Sa nasabing episode, nakalaban naman nila ang Team Manyaman na co-workers sa isang frozen meat company mula sa Angeles, Pampanga na sina Jan Magpayo, JB Bonayon, Ghem Mosnit, at Jho Aguilar.

Ang dalawang team na ito ay home audiences lamang noon na nag-audition upang maging studio players sa Family Feud.

Samantala, sa kanilang paglalaro, panalo ang Team Manyaman sa first at second round sa score na 153 points.

Pagdating sa third round, nakabawi ang Team Yummy Bakers nang masagot nila ang huling survey answer sa tanong na, ”Ano ang ginagawa ng tao upang gumanda o gumuwapo?” Dito ay nakakuha sila ng 130 points.

Pagdating sa third round kung saan triple na ang magiging score, hindi na hinayaan ng Team Yummy Bakers na makabawi pa ang Team Manyaman nang i-perfect nila ang lahat ng sagot sa survey board.

Ang final score ng Team Yummy Bakers ay 430 points habang ang Team Manyaman naman ay 130 points.

Sa Fast Money Round, sina Rudette at Herold ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 222 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Smile Train Philippines Foundation Inc. bilang kanilang napiling charity habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Team Manyaman.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: