
Hindi na kinuwestiyon ng The Clash judges ang talento ng 22-years-old Laguna singer na si Yuriel Javier dahil pinahanga na sila nito sa unang round pa lang ng kompetisyon na pinamagatang 'Laban Kung Laban.' Inawit niya rito ang "Bring Me To Life" ng American rock band na Evanescence.
Bagkus, pinayuhan nila si Yuriel na ipagpatuloy ang kanyang hilig sa pagkanta sa kabila ng pagkaroon ng regular na trabaho. Kasalukuyan siyang pumapasok bilang councilor office secretary sa munisipalidad ng Cabuyao City.
Kwento niya, pinili niyang i-pursue ang kanyang singing career matapos siyang grumadweyt ng kolehiyo pero hindi ito nagtuluy-tuloy kaya pinayuhan siya ng kanyang ama na humanap ng stable job.
Wala namang nakitang masama rito ang The Clash judges.
Ayon kay Christian Bautsita, pwede pa rin naman pagsabayin ni Yuriel ang pagkanta at pagtratrabaho.
Saad ng Asia's Romantic Balladeer, "I would advice also na have a stable thing going on and, on the side, yes, pwede ka rin kumanta. Pwede ka ring mag-song write, pwede ka mag-upload sa internet, pwede kang mag-audition sa label, pwede kang mag-Youtube, pwede kang mag-livestream. Pwede talaga until the time comes na, if god-willing, you are destined for greater things then it will happen, right? 'Cause you have a wonderful voice."
Komento naman ni Aiai, malaki ang tsansa na mag-prosper ang singing career ni Yuriel dahil "total package" na ang Clasher.
"Maganda ka, maganda ka sa screen, maganda ka sa personal, at higit sa lahat maganda ang boses mo," sabi ng Comedy Queen.
Naka-relate naman si Lani Misalucha sa pinagdaanan ni Yuriel kaya naman advice niya rito, "make sure na in the future, gawin mo'ng gusto mo pero make [your parents] proud."
Sa huli, itinanghal na panalo si Yuriel sa 'Laban Kung Laban' round kung saan nakalaban niya si Winona Galosmo.
Panoorin ang buong performance ni Yuriel dito: